Inaanak, nagulat sa malaking halaga na padala ng kanyang ninang bilang pamasko

Inaanak, nagulat sa malaking halaga na padala ng kanyang ninang bilang pamasko

- Laking gulat ng inaanak nang padalhan siya ng kanyang ninang ng malaking halaga ng pera

- Pamasko raw ito ng kanyang ninang sa loob ng 23 taon

- ₱23,000 ang halaga ng pinadalang pera dahil mula pagkabata ay di raw niya napamaskuhan ang inaanak

- Nagpasalamat naman ang inaanak dahil di niya inaasahan ang malaking halagang kanyang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napa "sana all" ang mga netizens nang makita ang post ng netizen na si Princess Joie H. Cabiles na binigyan ng malaking halaga ng kanyang ninang.

Kwento ni princess sa kanya na ngayong viral post, Simula sapul ay di siya napamaskuhan ng kanyang ninang na ito.

Ngayong 23 taong gulang na si Princess, laking gulat niya nang makatanggap siya ng ₱23,000.

Nangangahulugan lamang na sa loob ng mahigit na dalawang dekada na iyon, ₱1,000 kada taon ang bigay sa kanya ng kanyang ninang.

Laking tuwa naman ni Princess sa surpresang ito dahil di na niya ito inaasahan lalo pa at di naman na siya batang namamasko.

Birthday at christmas gift na raw ito ng kanyang ninang at nagbiro pa raw ito na bayad na siya sa mga "utang" niya kay Princess.

Natuwa ang mga netizens kaya naman umani ito ng nasa 30,000 na positibong reaksyon at naibahagi na ito ng nasa 184,000 na beses.

Samantala, di rin makapaniwala ang ilan na may ganito ka-galanteng ninang na kahit nasa hustong edad na ang inaanak ay di pa rin niya ito nakalimutang papaskuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana all may ganitong ninang... "
"Baka naman ninang, 20 years old na po akong naghahanap sayo"
"Ang bait naman ng ninang na ito, lumipas man ang 23 taon, bumawi naman"
"Sino po kaya yan, kukunin ko rin ninang"
"Ang swerte naman ng inaanak na ito, galante ang ninang at kahit di na bata pinamaskuhan pa rin tapos bongga pa"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel