Star Magic actress, inireklamo ng kanyang Personal Assistant dahil sa labis na trabaho

Star Magic actress, inireklamo ng kanyang Personal Assistant dahil sa labis na trabaho

- Dumulog kay sa programa ni Raffy Tulfo ang dating Personal Assitant ng Star Magic actress dahil sa di umano'y sobrang trabaho na iniatang sa kanya

- May ilang mga sinasabi pa raw ang aktres na paninira sa kanyang dating PA

- Sa dami raw ng trabahong kanyang ginagawa, ₱7,000 lamang daw ang sinasahod ng PA

- Maayos naman ang pag-uusap ng magkabilang panig at sinabi rin ng PA na huwag na sana itong maulit pa sa mga susunod na magiging PA o kasambahay ng aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inireklamo ng kanyang dating Personal assistant ang isa sa mga sikat na teen actress ng Star Magic dahil sa di umano'y labis na trabahong ginagawa nito at ilang paninirang nasabi raw nito sa kanya.

Dumulog na ang PA na nakilalang si Annalaine Revilla sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong sa sinapit ng dati niyang alaga.

Kwento ni Revilla, stay-in PA daw siya ng aktres. Dahil dito, di lamang daw personal assistant ang papel niya roon kundi para na rin kasambahay.

Sa dami ng kanyang ginagawa, lumalabas na nasa 24 oras siyang naninilbihan sa pamilya ng Star Magic actress.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa dami pa ng kanyang ginagawang trabaho, ₱7,000 lamang daw ang pinasasahod sa kanya ng aktres kada buwan.

Bukod pa rito, tila may mga nakarating din kay Revilla ng ilang paninira raw sa kanya ng aktres.

Natawagan at nakausap naman ang aktres na tinatawag ng kanyang PA na "Manika."

Sa umpisa'y medyo nagkainitan pa ang dalawa sa cellphone ngunit maayos din namang natapos ang usap.

Hiling din kasi ni Revilla na magsilbing eye-opener ito sa marami at sana raw ay di na maulit pa sa susunod na magiging PA o kasambahay ang dinanas nito sa aktres.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel