Mister na mahilig manabunot, napaiyak na lang kay Raffy Tulfo

Mister na mahilig manabunot, napaiyak na lang kay Raffy Tulfo

- Napaiyak na lang kay Raffy Tulfo ang mister na inireklamo ng kanyang misis

- Una nang naiulat nang idulog ni misis ang reklamo ng pananakit ng kanyang mister sa programa ni Tulfo

- Napikon si idol dahil daw sa kayabangan ng mister na mahilig daw manabunot

- Pati na rin si misis, manhid na sa pagmamakaawa ni mister sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naiyak na lamang ang mister na inireklamo ng kanyang misis habang kausap ni Raffy Tulfo sa telepono.

Una nang naiulat ng KAMI nang idulog ng flight attendant na si Princess Analyn Mangalino ang mister na si Eduardo Mangalino Jr. na isa namang flight instructor.

Inireklamo ni misis ang pananakit ni mister sa kanya. Dagdag pa ng ginang, wala rin siyang access sa kanilang negosyo at sinasarili lamang ni mister.

Inamin naman ni Eduardo na nasaktan niya ang asawa. Ngunit giit nito, dapat daw na pag-usapan nilang mag-asawa ang kanilang problema.

Pero si misis, desidido nang ituloy ang kaso laban sa mister. Gusto rin nito na magkaroon ng access sa kanilang negosyo.

Sang-ayon naman dito si mister ngunit mariing iginiit ni Princess na dati nang nangako si mister at hindi na ito naniniwala pa sa mga sinasabi nito kaya naman nais na nitong idaan sa legal na paraan.

Maging ang ina ni Princess ay wala na ring tiwala sa lalaki.

Kaya naman sa tulong ng programa ni idol Raffy ay sasampahan na ng kaso ni misis si mister na wala nang nagawa ang pakiusap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel