Foreigner na niloko ng "nobyang" Pinay, 8 taon nang tindero na lang ng gulay
- Naawa ngunit na-inspire ang isang netizen sa foreigner na nagtitinda na lamang ng gulay
- Naloko umano ang 61-anyos na mula New Zealand ng ka-chat nitong Pinay na pinerahan lamang siya
- Ang masaklap pa nito, hindi pala babae ang kanyang nakarelasyon kundi isang bakla
- Sinampahan niya ito ng kaso lalo pa at marami itong nakulimbat sa kanya ngunit naubusan na rin siya ng pondo
- Walong taon na siyang namamalagi sa Kidapawan at nasanay na rin daw siyang manatili sa bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Napakasaklap ng sinapit ng 61-anyos na si Bryan Laurence na naloko ng kanyang "Pinay" na naging kasintahan.
Sa video na binahagi ng The Young Observer, makikitang naglalako na lamang ng gulay ang foreigner na mula New Zealand.
Kwento niya, napadpad siya sa bansa dahil sa sinadya na niyang puntahan ang ka-chat niyang kasintahang Pinay.
Sa una'y maayos silang nagkapalagayan ng loob at nabigyan na rin niya ito ng pang pundar ng bahay at negosyo.
At upang patunayan niyang mahal niya talaga ito, pumunta siya ng Pilipinas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Laking gulat niya na wala silang bahay at negosyo kaya lumalabas na pinerahan lamang siya ng kasintahan.
Ang masaklap pa, nalaman niyang di tunay na babae ang kasintahan at isa pala itong bakla.
Naglaho na lamang itong parang bula tangay ang kanyang pera.
Dahil dito sinubukan niyang kasuhan ang dating kasintahan. Ngunit sa kasamaang palad, naubos na rin ang kanyang pera hanggang sa siya ay naghirap at namuhay mag-isa sa Kidapawan.
Para mairaos ang araw-araw, nagtitinda na lamang siya ng gulay.
Nilinaw ni Bryan na bagaman at minalas siya sa karelasyon, mabubuting tao pa rin naman daw ang mga Pinoy at nasanay na rin siyang manirahan sa bansa.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history because of his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh