Weightlifter, namatay matapos mabagsakan ng barbell sa dibdib habang nagwo-workout
- Isang lalaki sa Brazil, namatay matapos mabagsakan ng barbell sa dibdib habang nagwo-workout
- Nakuhanan ng CCTV ang sandali nang mabitawan niya ang barbell at akmang pagbagsak nito sa kanya
- Kaagad siyang dinala sa health center pero hindi na siya naisalba ng mga doktor
- Mga kaanak at museo kung saan siya lider, nagluksa at nagbigay-pugay sa kanyang ambag sa kultura
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Namatay ang isang lalaki matapos mabagsakan ng mabigat na barbell sa dibdib habang nag-eehersisyo sa isang gym.
Ayon sa ulat ng Daily Mail, si Ronald Montenegro, 55, ay nagbubuhat ng weights sa RW Academia sa Olinda, Brazil.
Bigla niyang nabitawan ang barbell at diretsong bumagsak ito sa kanyang dibdib.
Makikita sa CCTV ang mismong sandali nang mahulog ang barbell kay Montenegro.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagawa pa niyang tumayo pagkatapos, pero bumagsak siya ilang sandali ang nakalipas.
Agad naman siyang tinulungan ng mga nagtatrabaho at nagwo-workout sa gym at dinala sa kalapit na health center, ngunit hindi na siya na-revive ng mga doktor.
Naglabas ng pahayag ang gym matapos ang insidente. Sinabi nila na agad nilang tinulungan si Montenegro at nagpaabot sila ng pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan niya.
Idinagdag nila na mananatili ang alaala ni Ronald sa komunidad bilang isang respetado at minamahal na miyembro.
Iniulat din ng Daily Mail ang pahayag ng isang kaanak ni Montenegro.
Ayon sa kanya, dapat may trainer sa ganitong klaseng workout.
Gusto raw nilang mas maging maingat ang mga gym pagdating sa gamit at gabay sa mga nagwo-workout, dahil hindi dapat pinapabayaan ang mga estudyante kahit marunong sila sa galaw.
Si Montenegro, isang ama ng dalawang anak, ay presidente ng Palacio dos Bonecos Gigantes, isang museo sa Olinda na nag-aalaga ng malalaking puppets na kilala sa Carnival Festival.
Nagluksa rin ang museo at sinabi sa kanilang pahayag na nawala hindi lang isang lider kundi isang kaibigan at tagapagtanggol ng kultura.
Sinabi rin nila na mananatili ang kanyang ambag sa bawat detalye ng kanilang trabaho.
Basahin ang artikulo na inilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa istoryang ito.

Read also
Lasing na lalaki sa Iloilo basag-ang-mukha matapos umanong manghipo ng dalagitang marunong ng karate
Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
