Sikat na TikTok star, patay sa pamamaril sa edad na 21
US

Sikat na TikTok star, patay sa pamamaril sa edad na 21

• TikTok star na si Maurice Harrison ay napatay matapos siyang barilin sa loob ng kotse

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

• Sa artikulo na inilathala ng PhilSTAR Life, arestado ang boyfriend niya at kinasuhan ng first-degree murder

• Matagal na raw magka-relasyon ang dalawa pero madalas magkaroon ng problema

• Sumikat ang biktima sa TikTok dahil sa kaniyang mga hairstyle at pagiging “wigfluencer”

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

TikTok star na si Maurice Harrison, na kilala bilang Girlalala, ay napatay matapos barilin sa Lauderdale Lakes, Florida.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa NBC Miami, nagtamo siya ng maraming tama ng bala habang nasa loob ng isang kotse noong nakaraang linggo bandang 7 p.m.

Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng boyfriend niyang si Shanoyd Whyte Jr., 25, bago naganap ang pamamaril.

Humingi ng tulong si Whyte sa pulis at dinala pa ang mga ito sa isang Chevy Malibu, kung saan natagpuan si Harrison na wala nang buhay at duguan.

Read also

Singer na si 'd4vd', suspek na sa natagpuan sa kanyang kotse na bangkay ng 15-anyos na dalagita

Dinala pa siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa mga awtoridad, inaresto si Whyte sa lugar ng insidente at nakakulong na ngayon sa Broward County Jail.

Kinasuhan siya ng first-degree murder at hindi pinayagang magpiyansa.

Iniulat ng media na pitong taon nang magkarelasyon ang dalawa at madalas silang magkaroon ng magulong at toxic na pagsasama.

Sumikat si Harrison sa TikTok, kung saan may higit siyang 235,000 followers. Madalas niyang ipakita ang kaniyang iba’t ibang hairstyle, kaya tinawag niya ang sarili na wigfluencer.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Pamunuan ng Eat Bulaga, may ginagawa nang hakbang kaugnay sa mga pahayag ni Anjo Yllana

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: