Sikat na influencer at kanyang dalagita na anak, parehas na natagpuang patay sa kanilang bahay
US

Sikat na influencer at kanyang dalagita na anak, parehas na natagpuang patay sa kanilang bahay

  • Isang Brazilian influencer at ang kanyang anak ay natagpuang patay sa kanilang apartment
  • Magkahiwalay na kuwarto ang pinangyarihan ng pagkakadiskubre sa mga bangkay
  • Wala umanong palatandaan ng pananakit ayon sa imbestigasyon
  • Ang ina ay isang model at medical student na may higit 50,000 followers sa Instagram

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang malungkot na insidente ang yumanig sa Brazil matapos matagpuang patay ang influencer na si Lidiane Aline Lorenço, 33, at ang kanyang anak na si Miana Sophya Santos, 15, sa kanilang apartment sa Barra da Tijuca, Rio de Janeiro.

Natagpuan ang kanilang mga bangkay matapos magreklamo ang mga kapitbahay sa awtoridad tungkol sa masangsang na amoy na nanggagaling sa kanilang bahay.

Nakita si Lidiane sa loob ng isang silid, habang si Miana naman ay natagpuan sa sala.

Ayon sa mga ulat, limang araw nang nawawala ang mag-ina bago madiskubre ang insidente.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang malaman ang tunay na sanhi ng kanilang pagkamatay.

Read also

LTO, sinuspinde ang lisensya ng driver na pinayagang magmaneho ang anak

Sinabi ng mga pulis na walang nakitang palatandaan ng pananakit o karahasan sa lugar ng insidente.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inilibing sina Lidiane at Miana noong Oktubre 12 sa Santa Cecilia Municipal Cemetery.

Si Lidiane ay isang modelo at social media influencer na kilala sa pagbabahagi ng kanyang buhay at karera sa Instagram, kung saan mayroon siyang mahigit 50,000 followers.

Bukod dito, isa rin siyang medical student sa isang pribadong unibersidad sa Rio.

Galing si Lidiane at Miana sa Santa Cecília, Santa Catarina. Lumipat si Lidiane sa Rio de Janeiro mahigit limang taon na ang nakalilipas, habang kamakailan lamang sumunod sa kanya ang anak nito.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, labis ang hinagpis: "Bakit ang mga anak ko?"

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: