New fear unlocked: Babae, na-trap sa waterslide na nasa ibabaw ng karagatan
- Isang babae ang naipit sa loob ng waterslide ng isang cruise ship habang nasa gitna ng dagat
- Ang video ng insidente ay kumalat sa TikTok at umani ng libo-libong views
- Base sa ulat, ang waterslide na tinatawag na Ocean Loops ay mataas at may bigat at height requirement
- May emergency hatch umano na maaaring buksan kung may ganitong sitwasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: TikTok
Kumalat online ang isang TikTok video na kuha ng user na si @kaylamierzejewski kung saan makikita ang isang pasahero ng cruise ship na naipit sa loob ng isang clear tube waterslide.
Kita sa video ang babae na iniunat ang mga braso at pilit na naghahanap ng paraan upang makalabas.
Ayon sa ulat ng PEOPLE Magazine, ang barko ay mukhang Bliss ship ng Norwegian Cruise Line.
Batay sa Cruisemapper, nasa round-trip Alaskan cruise umano ito malapit sa baybayin ng Canada noong Setyembre 19 nang mangyari ang insidente.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang Ocean Loops slide ay kilala bilang double loop drop slide. May taas itong 11 feet mula sa gilid ng barko at 159 feet naman mula sa ibabaw ng dagat.
May minimum height requirement na 40 inches at weight requirement na 120 hanggang 300 pounds bago makagamit nito.
Sa slide na ito, tatayo ang rider sa isang trap door na biglang bumubukas at magpapahulog sa kanila papasok sa loops hanggang mapunta sa splash pool.
Isang TikTok user ang nagkomento na may nakahandang emergency hatch na maaaring buksan para makalabas ang isang tao kung sakaling maipit sa loob.
Hanggang ngayon, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang cruise line tungkol sa insidente.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh