Sikat na influencer, nagsalita na tungkol sa pagkamatay ng 3-anyos niyang anak
US

Sikat na influencer, nagsalita na tungkol sa pagkamatay ng 3-anyos niyang anak

  • Emilie Kiser, isang influencer, ay nagsalita sa unang pagkakataon tungkol sa pagkamatay ng kanyang 3 taong gulang na anak na si Trigg matapos malunod noong Mayo.
  • Sa kanyang mahabang post, sinabi niyang mahirap ilarawan ang bigat ng pagkawala at aminadong dapat ay mas naprotektahan niya ang anak
  • Ayon kay Emilie, malaking aral ang natutunan niya dahil kung may permanenteng bakod ang pool, posibleng naiwasan ang trahedya
  • Tatlong buwan matapos ang insidente, nagpasalamat siya sa lahat ng nagbigay ng pagmamahal, pag-unawa at espasyo habang sila ay nagluluksa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

EMILIE KISER/@emiliekiser on Instagram
EMILIE KISER/@emiliekiser on Instagram
Source: Instagram

Naglabas ng emosyonal na pahayag si Emilie Kiser tungkol sa pagkamatay ng anak niyang si Trigg na nalunod noong Mayo.

Sa kanyang Instagram post nitong Agosto 29, sinabi niyang halos imposible ilarawan ang sakit ng pagkawala.

Ibinahagi niya na araw-araw nilang nararamdaman ang lungkot at bigat ng pagkawala ng kanilang anak na itinuturing nilang matalik na kaibigan.

Aminado si Emilie na bilang ina, may pagkukulang siya.

Read also

72-anyos na lolo, patay matapos pagtatagain habang naliligo ng kanya mismong kapatid

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi niyang kung nagkaroon ng permanenteng bakod sa pool, posibleng nailigtas si Trigg.

Umaasa siyang ang nangyari sa kanilang pamilya ay magsilbing babala at magligtas ng ibang bata sa kaparehong trahedya.

Matatandaan na noong Mayo 12, nakatanggap ng tawag ang pulisya ng Chandler bandang alas-7 ng gabi.

Natagpuan nilang walang malay si Trigg sa pool at agad na sinubukang i-revive bago dalhin sa ospital.

Inilipat siya sa Phoenix Children’s Hospital kung saan nanatiling kritikal ng ilang araw hanggang sa bawian ng buhay noong Mayo 18.

Sa imbestigasyon, sinabi ng ama ni Trigg na si Brady na siya ay na-distract sa pagbabantay ng kanilang sanggol na si Theodore.

Naiwan niyang mag-isa si Trigg sa labas at doon ito nalunod. Dahil dito, noong Hulyo ay nagrekomenda ang mga pulis ng child abuse charge laban kay Brady.

Si Emilie at Brady ay kilala sa social media dahil sa kanilang motherhood at lifestyle content, na sinusundan ng milyun-milyon sa Instagram at TikTok.

Read also

Gigi de Lana, ibinahagi ang personal na laban sa bulimia

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Bangkay ng caretaker natagpuang nakasako at nakabaon sa Cebu, 4 na suspek arestado

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: