TikTok star at buo niyang pamilya, minasaker at iniwan sa isang abandonadong sasakyan
- Isang TikTok star na si Esmeralda Ferrer Garibay, 32, natagpuang patay kasama ang kanyang asawa at dalawang anak sa loob ng isang pickup truck sa Guadalajara, Mexico
- Kinilala rin ang asawa niyang si Roberto Carlos Gil Licea, 13-anyos na anak na si Gael Santiago, at 7-anyos na si Regina bilang mga biktima
- Ayon sa mga imbestigador, may mga ebidensiyang nagpapakita na doon mismo sila pinaslang
- Pinaniniwalaang may kaugnayan ang krimen sa negosyo ni Licea na may kinalaman sa pagbili at pagbenta ng sasakyan at pagtatanim ng kamatis
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Natagpuan ang bangkay ng TikTok star na si Esmeralda Ferrer Garibay, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak, sa loob ng isang iniwang pickup truck sa Guadalajara, Mexico.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Garibay, asawa niyang si Roberto Carlos Gil Licea, at ang kanilang mga anak na sina Gael Santiago, 13, at Regina, 7 taong gulang.
Ayon kay prosecutor Alfonso Gutiérrez Santillán, maraming ebidensiya ang natagpuan sa lugar, tulad ng dugo at mga bala, na nagpapatunay na doon pinatay ang pamilya.

Read also
32-anyos na babae, natagpuan ang ina na nawalay sa kanya ng 30 taon dahil sa isang livestream
Habang hinihintay pa ang opisyal na forensic results, sinabi ng mga otoridad na halos tiyak na pinaslang ang pamilya sa mismong lugar.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dalawang indibidwal mula sa kalapit na talyer ang inaresto ngunit agad ding pinalaya dahil kulang ang ebidensiya laban sa kanila.
Lumipat lamang ang pamilya sa nasabing lugar ilang buwan bago ang malagim na pangyayari.
Pinaniniwalaan ng mga otoridad na may kinalaman ang negosyo ni Licea, na sangkot sa pagbebenta ng sasakyan at pagtatanim ng kamatis sa Michoacán, sa pagpatay sa kanila.
Nakilala naman si Garibay sa social media bilang Esmeralda FG. Sikat ang kanyang TikTok page na may higit 40,000 followers at milyon-milyong views, kung saan tampok ang kanyang travel, lifestyle, at lip sync content.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh