Babae, arestado matapos magpanggap na nurse at gumamot ng mahigit 4,000 na mga pasyente
US

Babae, arestado matapos magpanggap na nurse at gumamot ng mahigit 4,000 na mga pasyente

  • Isang babae sa Florida ang inaresto matapos magpanggap na nurse at maggamot ng mahigit 4,000 pasyente sa loob ng halos isang taon
  • Nakapasok siya sa ospital gamit ang maling impormasyon at lisensyang hindi sa kanya
  • Natuklasan ng kapwa empleyado na paso na ang kanyang lisensya kaya agad siyang tinanggal sa trabaho
  • Nahaharap siya ngayon sa 14 na kaso at nakakulong sa halagang halos P4 milyon ang piyansa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

KATRIN BOLOVTSOVA on Pexels
KATRIN BOLOVTSOVA on Pexels
Source: Original

Isang babae mula Florida ang inaresto matapos magpanggap na nurse at magbigay ng gamutan sa 4,486 pasyente mula Hunyo 2024 hanggang Enero 2025.

Kinilala siya bilang si Autumn Bardisa, 29, na nahuli sa kanyang bahay noong Agosto 5 habang nakasuot pa ng scrubs.

Ayon sa imbestigasyon, nagsimula si Bardisa bilang advanced nurse tech sa AdventHealth Palm Coast Parkway noong Enero 2023.

Sa aplikasyon niya, sinabi niyang nakapasa siya sa mga kinakailangang pag-aaral para maging registered nurse ngunit hindi pa sa national exam.

Read also

Sikat na lalaking New York-based TikToker, pumanaw sa edad na 20

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kalaunan, sinabi niyang pumasa na siya at nagbigay ng license number na sa kalaunan ay natuklasang hindi sa kanya, kundi sa ibang nurse na may kaparehong pangalan ngunit ibang apelyido. Idinahilan niyang kakakasal lang niya ngunit hindi siya nagpakita ng marriage license.

Kahit may pagdududa sa kanyang papeles, nabigyan pa siya ng promosyon.

Pero isang katrabaho ang nagsuri sa kanyang records at nalaman na paso na ang kanyang lisensya.

Agad itong iniulat sa pamunuan at tinanggal siya sa trabaho noong Enero 22. Dito nagsimula ang pitong buwang imbestigasyon ng pulisya.

Lumabas na nakapagbigay siya ng gamutan sa libu-libong pasyente nang walang wastong lisensya, na ayon sa mga otoridad ay isa sa pinakamalalang kaso ng medical fraud na kanilang nakita.

Nahaharap si Bardisa sa pitong kaso ng pagpraktis ng health care profession nang walang lisensya at pitong kaso ng pandaraya gamit ang personal na impormasyon.

Kasalukuyan siyang nakakulong sa halagang $70,000 o halos P4 milyon na piyansa, at hinihikayat ng pulisya ang mga pasyenteng nagamot niya na makipag-ugnayan sa kanila.

Read also

Jessie J, balik ospital matapos magkaroon ng impeksyon makalipas ang kanyang cancer surgery

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Ninong Ry, lilisanin na ang kanyang kitchen studio bunsod ng paulit-ulit na pagbaha

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: