1-anyos na bata, patay matapos iwan ng ina sa mainit na kotse para magpaturok ng pampakapal ng labi
US

1-anyos na bata, patay matapos iwan ng ina sa mainit na kotse para magpaturok ng pampakapal ng labi

  • Isang 1-anyos na batang lalaki ang namatay matapos siyang iwan ng kanyang ina sa loob ng mainit na sasakyan
  • Ayon sa NBC News na nilathala naman ng PhilSTAR Life, iniwan ng ina ang baya sa loob ng sasakyan sa loob ng 2 oras habang 101° F (38.33° C) ang temperatura
  • Ang akusado ay si Maya Hernandez mula sa California, sinampahan na siya ng reklamong 'involuntary manslaughter' at two counts ng 'willful cruelty to a child'
  • Kasama ng nasawing bata ang kanyang 2-anyos na kapatid na buhay, pero nagpapagaling pa sa hospital

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Alexey Chudin on Pexels
Alexey Chudin on Pexels
Source: Original

Base sa report ng mga awtoridad, ang 20-anyos na akusadong ina "admitted that it was irresponsible to leave her kids in the car, and she thought about it when she got out of the car but had no justification as to why she left them."

Nagpasok ng plea na "not guilty" si Hernandez, ayon sa ulat ng NBC affiliate na KGET, na nagsabi rin na walang abogadong nakatalaga para magsalita sa ngalan niya batay sa mga dokumento ng korte.

Ayon sa ulat ng pulisya, inamin ng 20-anyos na ina na "irresponsable" ang pag-iwan niya sa kanyang mga anak sa loob ng sasakyan, at naisip niya ito pagkalabas niya ng kotse pero wala siyang maibigay na dahilan kung bakit niya ginawa ito.

Sinabi ni Hernandez sa mga awtoridad na iniwan niya ang mga bata habang bukas ang air conditioner.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa kanya, sinigurado niyang may candy, crackers, at gatas ang mga bata para may makain at mainom, at binigyan rin niya ang mga ito ng cellphone para manuod ng mga video.

Giit niya, tiwala siyang mananatiling naka-on ang sasakyan, at binanggit na dati na niyang sinubukan na manatili roon nang matagal na oras.

Inamin din niya na hindi niya nasilip ang mga anak sa loob ng halos dalawang oras habang siya ay nasa spa appointment.

Pagbalik niya sa kotse, nakita niyang bumubula ang bibig ng isa at nanginginig ito.

Agad niyang sinubukang magsagawa ng mouth-to-mouth resuscitation at tumawag ng 911 para humingi ng tulong.

Nang dalhin sa ospital, ang panloob na temperatura ng batang 1-taong gulang ay nasa 107 degrees at hindi na ito nagpapakita ng senyales ng buhay.

Samantala, ang 2-taong gulang ay may temperaturang 99 degrees at nagawang kumain at uminom.

Ayon sa pulisya, ang bata ay nasa maayos nang kalagayan at inilagay na sa protective custody.

Basahin ang kabuuan ng ulat na ito sa artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: