Will Smith, sinampal si Chris Rock sa Oscars 2022 dahil sa joke nito ukol sa asawa niya
US

Will Smith, sinampal si Chris Rock sa Oscars 2022 dahil sa joke nito ukol sa asawa niya

- Sinampal ni Will Smith ang komedyanteng si Chris Rock sa 2022 Academy Awards

- Ito ay nangyari nang magbiro si Chris ukol sa alopecia o hair loss ni Jada Pinkett Smith, asawa ni Will

- Matapos marinig ang biro, umakyat sa stage si Will at biglang sinampal sa mukha ang host ng Oscars

- Sinabi rin ni Will kay Chris na tigilan na ang pagbibiro ukol sa medical condition ng kanyang asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nag-trending si Will Smith dahil sa kanyang pagsampal sa komedyanteng si Chris Rock sa 94th Academy Awards.

Nangyari ito nang mag-biro si Chris ukol sa alopecia o hair loss ni Jada Pinkett Smith, asawa ni Will.

Umakyat ng stage si Will matapos marinig ang biro at biglang sinampal sa mukha ang host ng Oscars 2022.

Will Smith, sinampal si Chris Rock sa Oscars 2022 dahil sa joke nito ukol sa asawa niya
Will Smith, sinampal si Chris Rock sa Oscars 2022 dahil sa joke nito ukol sa asawa niya (Screengrab from 94th Academy Awards at ABC)
Source: UGC

Pagbalik sa upuan, sumisigaw si Will kay Chris na tigilan na ang pagbibiro ukol sa medical condition ng kanyang asawa.

Read also

Senatorial candidate Chel Diokno, nag-enjoy sa jamming niya sa bandang 'Prettier than Pink'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hati naman ang reaksyon ng netizens sa nangyari. May mga nagsasabing ipinagtanggol lamang ni Will ang kanyang asawang may kundisyon. May mga nagsabi namang dapat kasuhan si Will dahil physical assault ang ginawa niya kay Chris.

Narito ang clip ng trending moment sa 2022 Academy Awards:

Si Will Smith ay isang sikat na Hollywood actor, kilala sa mga movies niyang “Men in Black”, “Independence Day”, "Aladdin," "I Am Legend," at “Bad Boys.” Nanalo siya ng Best Actor in a Leading Role award sa 2022 Oscars para sa role niya sa drama film na "King Richard". Asawa niya ang aktres na si Jada Pinkett Smith at anak naman nila ang aktor na si Jaden Smith.

Sa nakaraang report ng KAMI, humanga si Will Smith sa Filipina singer na si Morissette Amon sa kanilang online meeting. Ibinahagi ng official Facebook page at YouTube channel ng Walt Disney PH ang naturang pagkikita ni Will at Morissett. Sa nasabing pagkikita ay hiniling ni Will Smith na mag-duet sina Morissette Amon at Alan Menken.

Nag-react naman si Lea Salonga sa viral meeting nina Will Smith at Morissette Amon. Nagpasalamat si Lea sa kabutihang pinakita ng aktor tungo sa Pinay singer. Pinuri rin ni Lea si Morissette dahil sa matinding achievement nito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta