Mag-ama na namaril sa Bondi Beach, kumpiramadong naglagi sa Pinas bago ang pamamaril ayon sa BI

Mag-ama na namaril sa Bondi Beach, kumpiramadong naglagi sa Pinas bago ang pamamaril ayon sa BI

  • Kinumpirma ng Bureau of Immigration na nanatili sa Pilipinas ang ama at anak bago ang pamamaril sa Australia
  • Ayon sa talaan, dumating sila mula Sydney at umalis makalipas ang halos isang buwan
  • Labinlimang katao ang nasawi sa pamamaril sa isang Jewish festival sa Bondi Beach
  • Isang suspek ang napatay sa lugar, habang ang isa ay nasa ospital

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Daily Tribune on Facebook
Daily Tribune on Facebook
Source: Facebook

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na ang ama at anak na sangkot sa madugong pamamaril sa Australia ay nanatili muna sa Pilipinas bago ang insidente.

Batay sa mga rekord, tumagal ng halos isang buwan ang kanilang pananatili sa bansa.

Iniulat ng News5 na dumating sina Sajid Akram, 50, at Naveed Akram, 24, sa Pilipinas noong Nobyembre 1 mula Sydney, Australia.

Umalis naman sila ng bansa noong Nobyembre 28.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa BI, Davao ang idineklara nilang huling destinasyon nang sila ay pumasok sa bansa.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng BI, mula Davao ay bumiyahe pa ang mag-ama patungong Maynila.

Read also

Kargador sa Divi, viral nang maging instant reporter ng ABS-CBN

Mula roon, bumalik sila sa Sydney bilang huling destinasyon.

Noong Lunes, Disyembre 15, naganap ang pamamaril sa isang Jewish festival sa Bondi Beach sa Australia.

Ayon sa mga ulat, gumamit ng mahahabang baril ang mga suspek at pinaulanan ng bala ang mga dumalo sa pagtitipon.

Umabot sa 15 ang nasawi, kabilang ang isang 10-anyos na batang babae.

Kumalat din sa social media ang mga video ng insidente.

Makikita sa mga kuha ang dalawang lalaki na nasa isang pedestrian bridge habang nagpapaputok ng baril.

Sa isang bahagi ng video, makikitang naka-itim ang suot ni Naveed habang nagre-reload ng kanyang baril at itinataboy ang mga taong nasa paligid.

Nabaril at napatay si Sajid ng mga pulis sa mismong lugar ng insidente.

Si Naveed naman ay nabaril din at isinugod sa ospital sa kritikal na kondisyon.

Ayon sa mga ulat ng Australian media, may mga senyales umano ng kanyang pagbuti.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Read also

Isang pasahero, inaresto matapos subukang buksan ang pintuan ng eroplano habang ito'y nasa ere

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: