27-anyos na babaeng acrobat performer, patay matapos mahulog habang nagpe-perform
- Isang 27-anyos na acrobat ang nahulog at namatay habang nasa gitna ng palabas sa Circus Paul Busch sa Germany
- Ayon sa ulat, bumagsak siya mula sa taas na limang metro habang nasa trapeze at hindi nakasuot ng safety rope
- Mga bata at magulang ang nakasaksi, at agad nagtangkang tumulong ang ilang manonood ngunit hindi siya nailigtas
- Imbestigasyon ay nagpapatuloy habang sinuspinde muna ang operasyon ng circus
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Instagram
Isang malungkot na insidente ang nangyari sa Circus Paul Busch sa Bautzen, Germany nang bumagsak at mamatay ang 27-anyos na gymnast na si Marina Barcelo.
Habang nasa trapeze, bigla siyang nahulog mula sa taas na limang metro. Walang suot na safety rope ang acrobat sa oras ng kanyang pagtatanghal.
Nabalot ng sigawan ang tent habang pinipikit ng ilang magulang ang mata ng kanilang mga anak.
May mga manonood na agad lumapit para iligtas siya, ngunit hindi na siya nag-survive at namatay sa mismong lugar.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa ulat ng BILD, isang empleyado ng circus ang nagsabing hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyari.
Dagdag pa ni Ralf Huppertz, CEO ng Association of German Circus Companies, posibleng may iniindang kondisyon sa kalusugan si Marina habang nasa ere.
Binanggit niya na hindi pangkaraniwan para sa isang bihasang artist na hindi makaligtas sa pagbagsak mula lamang sa limang metro.
Maaaring nahilo raw siya sa trapeze bago mahulog.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa aksidente.
Samantala, pansamantalang isinara ang circus bilang pagrespeto at habang naghihintay ng resulta ng imbestigasyon.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh