28-anyos na Greek heiress, namatay matapos makagat ng insekto
- Isang 28-anyos na anak ng kilalang Greek shipping magnate ang natagpuang patay sa kanyang apartment sa London
- Ayon sa kanyang ina, toxic shock mula sa kagat ng insekto ang ikinamatay niya
- Nauna siyang nagpakonsulta sa doktor at dinala sa ospital pero pinauwi lamang matapos bigyan ng gamot
- Angg ospital ay nagsimula na ng imbestigasyon dahil sa posibleng pagkakamali sa kanyang kaso
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Natagpuang walang buhay si Marissa Laimou, 28-anyos, ng kanyang kasambahay sa London apartment.
Ayon sa kanyang ina na si Bessy, namatay siya dahil sa toxic shock mula sa kagat ng insekto. Hindi pa tukoy kung anong uri ng insekto ang sanhi.
Noong Setyembre 8, nagsimulang makaramdam ng pagkahilo, pangangati, at lagnat si Marissa.
Isang doktor ang dumalaw at nagreseta ng paracetamol. Dahil hindi bumuti ang lagay, dinala siya sa ospital sakay ng ambulansya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil cancer survivor siya, nakita rin siya ng kanyang oncologist. Ngunit ayon sa pamilya, mga nurse ang sumuri sa kanya at nagpasya na hindi kailangan ang admission.

Read also
Kara David, may malupit na birthday wish para sa mga kurakot ngayong ika-52 niyang kaarawan
Sinabi nilang kagat ng insekto lamang iyon, nagbigay ng antibiotic, at pinauwi siya kinagabihan.
Kinabukasan, natagpuan siyang patay sa kama. Labis ang hinanakit ng kanyang ina na nagsabing, "My daughter had survived cancer and died from an insect. She was a girl with so many gifts; all of England is crying, all her doctors, too."
Naglabas ng pahayag ang ospital na nagsasagawa na sila ng internal investigation at inamin na maaaring nagkaroon ng seryosong pagkakamali.
Ayon sa mga kaanak, hinihintay pa ang post-mortem para sa mas malinaw na sagot.
Si Marissa ay aktibong theater actress. Matapos malampasan ang breast cancer, lumahok siya sa mga produksyon kabilang ang Romeo and Juliet sa London.
Inilarawan siya bilang talented, simple, at dedikado sa kanyang sining. Kilala rin ang kanilang pamilya sa industriya ng shipping na nagsimula pa noong early 20th century at kinilala pagkatapos ng World War II.

Read also
Lalaking ililibing na sana, binalik sa hospital matapos ang isang hindi kapani-paniwalang pangyayari
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh