Crown Prince ng Norway, nagsalita na ukol sa kaso ng panghahalay na kainasasangkutan ng stepson niya
- Crown Prince Haakon said the royal family will continue their duties despite the charges against his stepson
- Marius Borg Hoiby, 28, faces 32 criminal charges including rape, assault, and domestic violence
- Hoiby denies the rape and domestic violence charges but admitted to causing harm while under drugs and alcohol
- If found guilty of the most serious charges, he could face up to 10 years in prison
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Sinabi ni Crown Prince Haakon ng Norway na magpapatuloy ang kanilang pamilya sa pagganap ng opisyal na tungkulin kahit nakatakdang litisin ang kanyang stepson na si Marius Borg Hoiby.
Si Marius ay nahaharap sa kasong panggagahasa at iba pang mabibigat na paratang.
Ayon kay Haakon, ito ay mahirap na panahon para sa lahat ng sangkot.
Si Hoiby, 28, na anak ni Crown Princess Mette-Marit at stepson ni Haakon, ay kinasuhan ng 32 kaso kabilang ang panggagahasa sa apat na babae, domestic violence, at pananakit.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mariin niyang itinanggi ang pinakamabibigat na paratang gaya ng rape at domestic violence, ngunit ayon sa kanyang abogado, aamin siya sa mas magagaan na kaso sa pagsisimula ng paglilitis sa Enero.
Kung mapatunayang guilty sa pinakamabibigat na kaso, maaari siyang makulong nang hanggang 10 taon.
Inaasahan na tatagal ng anim na linggo ang paglilitis. Sinabi ng tagausig na ang korte ng Norway lamang ang may pasya kung ano ang magiging resulta ng kaso.
Nagsimula ang imbestigasyon noong Agosto noong nakaraang taon matapos pangalanan si Hoiby na suspek sa pananakit ng isang babaeng nakarelasyon niya.
Sa kanyang pahayag noon, inamin ni Hoiby na nakapanakit siya habang nasa ilalim ng impluwensiya ng cocaine at alak, at nagsabi na pinagsisisihan niya ang kanyang ginawa.
Si Hoiby ay walang royal title at wala sa linya ng pagmamana ng trono.
Siya ang nakatatandang half-brother ni Princess Ingrid Alexandra, na pangalawa sa linya ng pagmamana pagkatapos ng kanyang ama na si Haakon.

Read also
Ina ng 7-anyos na pinaslang sa Dagupan, nagsalita matapos madakip ang ama at madrasta ng bata
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh