Babaeng bumiyahe sa bus, inaresto matapos mabistong may kakaibang laman ang kanyang maleta
- Isang babae sa New Zealand ang inaresto matapos matagpuang may batang nasa loob ng maleta sa sinasakyang bus
- Ang bata ay dalawang taong gulang at inilagay sa compartment ng mga bagahe sa ilalim ng bus
- Napansin ng driver na gumagalaw ang maleta kaya agad niya itong binuksan
- Sinampahan ng kaso ang babae at maaaring madagdagan pa ang mga paratang laban sa kanya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Inaresto ng mga awtoridad sa New Zealand ang isang 27-anyos na babae matapos matagpuang may dalang bata na nakalagay sa loob ng isang maleta habang nasa biyahe ng bus.
Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, nangyari ang insidente nitong Linggo sa isang bus stop sa Kaiwaka.
Napansin ng bus driver na gumagalaw ang isang maleta sa compartment ng mga bagahe sa ilalim ng bus habang nakahinto ito.
Nang buksan niya ang bag, tumambad sa kanya ang isang dalawang taong gulang na bata.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Detective Inspector Simon Harrison, ang bata ay pawisan at mainit ang katawan, pero mukhang wala namang pisikal na sugat.
Dinala agad sa ospital ang bata para sa mas masusing pagsusuri ng kalusugan.
Sinampahan ng kaso ang babae ng pagmamalupit at pagpapabaya sa bata.
Hindi pa malinaw kung ano ang relasyon ng babae sa bata, at patuloy ang imbestigasyon. Ayon kay Harrison, posible pang madagdagan ang mga kaso laban sa kanya.
Dahil sa maagap na aksyon ng driver, naiwasan umano ang mas malalang pangyayari.
Ipinaabot na rin ng mga pulis ang insidente sa Ministry for Children ng New Zealand upang mabigyan ng tamang tulong at proteksyon ang bata.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na iba pang detalye tungkol sa bata o sa babaeng inaresto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Basahin ang artikulo na isinulat ng GMA News dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh