Olympic medalist, patay matapos matamaan ng kidlat

Olympic medalist, patay matapos matamaan ng kidlat

  • Pumanaw si Olympian Audun Groenvold matapos tamaan ng kidlat habang nasa isang cabin trip
  • Kinumpirma ng Norwegian Ski Federation ang insidente at sinabi na dinala pa siya sa ospital ngunit binawian ng buhay noong Hulyo 15
  • Inilarawan ng federation president na si Tove Moe Dyrhaug si Groenvold bilang isang mahalagang tao sa alpine at freestyle communities
  • Naiwan ni Groenvold ang kanyang asawa na si Kristin Tandberg Haugsjå at kanilang tatlong anak

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

olympicvancouver2010 on YouTube
olympicvancouver2010 on YouTube
Source: Youtube

Pumanaw si Olympian Audun Groenvold matapos tamaan ng kidlat.

Kinumpirma ng Norwegian Ski Federation ang kanyang pagpanaw sa isang pahayag at sinabi na nangyari ang insidente habang siya ay nasa isang cabin trip.

Ang 49-anyos na atleta na kilala sa national alpine at ski cross ay agad na dinala sa pinakamalapit na ospital kung saan siya ay “treated for the injuries he sustained in the lightning strike.”

Gayunpaman, idineklara rin siyang patay noong Hulyo 15.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagluksa si Norwegian Ski Federation president Tove Moe Dyrhaug sa pagkawala ni Groenvold, at inilarawan siya bilang “a prominent figure who has meant so much to both the alpine and freestyle communities.”

Sinabi rin ni Dyrhaug na ang pagpanaw ng skier ay nag-iwan ng “big void.”

Nagwagi si Groenvold ng bronze medal sa men’s ski cross sa Vancouver Games noong 2010.

Ayon sa E! News, naging bahagi siya ng Norway’s national alpine skiing team noong 1993 hanggang 2004 bago lumipat sa freestyle at ski cross.

Matapos ang kanyang paglahok sa Olympics noong 2010, nagsilbi siya bilang national team coach at TV commentator.

Kasama rin siya sa board ng Norwegian Ski Association. Naiwan ni Groenvold ang kanyang asawa na si Kristin Tandberg Haugsjå at kanilang tatlong anak.

Basahin ang artikulo na inilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa balitang ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: