12-anyos na lalaki, halos maubos ang digestive system dahil sa mga kapalpakan sa kanyang operasyon
- Isang 12-anyos na batang lalaki sa China ang nawalan ng halos buong digestive system dahil sa pagkakamali sa operasyon
- Kinailangang pakainin siya ngayon sa pamamagitan ng ugat dahil hindi na kaya ng kanyang katawan tumanggap ng nutrisyon sa normal na paraan
- Ayon sa ina, pinilit umano sila ng mga doktor na pumayag sa serye ng operasyon
- Binayaran ng ospital ang pamilya ng 200,000 yuan (P1.6 milyon) bilang kabayaran
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Isang batang lalaki sa China ang nawalan ng halos lahat ng bahagi ng kanyang digestive system matapos ang pagkakamali sa isang operasyon.
Kinilala ang biktima bilang si Xiaoye, 12 taong gulang, na ngayon ay umaasa sa intravenous nutrition dahil hindi na niya kayang tunawin ang pagkain.
Nangyari ang insidente noong Oktubre 2023 nang dinala siya sa Chengwu County People’s Hospital sa Shandong matapos masaktan sa tiyan ng kaklase.
Ayon sa mga doktor, may nakitang bukol sa kanyang tiyan at pinayuhan ang mga magulang na sumailalim siya sa laparoscopic surgery.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kwento ng ina ni Xiaoye na si Yue, paulit-ulit umanong lumapit sa kanila ang mga doktor para pumirma sa mga form ng operasyon.
Sinabi umano ng mga ito na kailangang tanggalin ang pancreas at duodenum ng bata, at kung hindi sila papayag, baka sila ay maparatangan na tumangging magpagamot.
Sa kalaunan, pumirma sila sa apat na form.
Bukod sa pancreas at duodenum, tinanggal din ng mga doktor ang bahagi ng small intestine, gallbladder, at dalawang-katlo ng kanyang tiyan.
Naiwan na lamang ang 50 sentimetro ng kanyang colon matapos ang 14-oras na operasyon.
Matapos ang insidente, bumagsak ang timbang ni Xiaoye at bihira na raw itong magsalita. Ayon sa imbestigasyon, may serye ng pagkukulang ang ospital bago ang operasyon.
Nagbigay ito ng 200,000 yuan o katumbas ng P1.6 milyon sa pamilya bilang kabayaran.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

