Pinoy climber, namatay matapos ma-stranded sa Mt. Okuhotakadake sa Japan
- Isang Pinoy climber ang nasawi matapos ma-stranded sa Mt. Okuhotakadake sa Japan
- Pitong katao ang kabilang sa grupo, kabilang ang isang Filipina
- Tatlong miyembro ng grupo ang naiulat na nawawala bago natagpuan malapit sa isang mountain lodge
- Isa pa ang nagkaroon ng hypothermia, habang nakaligtas naman ang Filipina
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang Pinoy climber ang nasawi matapos silang ma-stranded sa Mt. Okuhotakadake, ang ikatlong pinakamataas na bundok sa Japan pagkatapos ng Mount Fuji at Mount Kita.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, kabilang siya sa mga na-rescue matapos maipit sa pagbaba mula sa 3,190-meter summit noong nakaraang weekend.
Pitong katao ang bumuo ng grupo, kasama ang isang Filipina.
Nagsagawa ng search operation ang mga awtoridad noong Sabado ng gabi matapos makatanggap ng emergency alert mula sa isang staff ng mountain lodge na malapit sa lugar.
Isang Filipina raw ang nag-ulat na tatlo sa kanilang grupo ay nawawala.
Natagpuan sila kinabukasan, mga 170 metro ang layo mula sa mountain lodge.

Read also
Sikat na influencer at kanyang dalagita na anak, parehas na natagpuang patay sa kanilang bahay
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kasamaang palad, idineklarang patay ang Pinoy tourist, habang isa pa sa grupo ang nakaranas ng hypothermia.
Nakababa naman nang mag-isa ang Filipina mula sa tuktok ng bundok.
Bahagi ang Mt. Okuhotakadake ng Hotaka mountain range, na kilala sa pagiging mahirap akyatin.
Bagama’t may mga maayos na trail at mountain huts, paalala sa Japan Alps website na hindi ito nangangahulugang madali na itong akyatin.
Mahalaga raw ang maayos na plano, sapat na kagamitan, lakas ng katawan, tibay ng isip, at magandang panahon bago subukang akyatin ang bundok.
Kapag kulang sa alinman dito, mas mabuting huwag nang ituloy ang pag-akyat para sa sariling kaligtasan.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh