Patay at bubog-sarado na katawan ng isang aktres-influencer, natagpuan sa loob ng maleta

Patay at bubog-sarado na katawan ng isang aktres-influencer, natagpuan sa loob ng maleta

  • Pinatay si Korean actress at influencer Yoon Ji-ah matapos ang kaniyang huling livestream
  • Natagpuan ang kaniyang katawan sa loob ng maleta sa bundok ng South Korea
  • Arestado ang suspek na si Choi, isang “VIP fan” na may doble umanong buhay
  • Umamin siya sa krimen matapos ipakita ng pulisya ang bangkay ng aktres
Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Patay ang Korean actress at influencer na si Yoon Ji-ah matapos siyang patayin ng isang "VIP fan" ilang minuto lang matapos ang huling livestream niya.

Ayon sa ulat ng The Sun, tinakpan ng suspek ang katawan ni Yoon at inilagay ito sa isang maleta bago itinapon sa liblib na lugar sa bundok ng Muju County, North Jeolla Province.

Natagpuan ng pulisya ang katawan ni Yoon noong Setyembre 11.

May mga pasa sa katawan at palatandaan ng pagkasakal. Ayon sa The Chosun Daily, sanhi ng kaniyang pagkamatay ay asphyxiation o kakulangan ng hangin dahil sa pagkapisil ng leeg.

Read also

Korina Sanchez-Roxas, may malupit na wish ngayong kaarawan niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Base sa imbestigasyon, huling nakita si Yoon sa Yeongjong Island, Incheon, kung saan siya nag-livestream.

Makalipas ang 30 minuto, pinatay siya at natagpuan sa lugar na mahigit tatlong oras ang layo.

Lumabas sa imbestigasyon na halos kaagad matapos siyang mag-sign off ay inatake na siya.

Kinilala ang suspek na si Choi, nasa edad 50, at kilala sa online world bilang “Black Cat.”

Noong una, nagpakilala siya kay Yoon bilang CEO ng isang IT company at sinabing tutulungan siyang mapalago ang followers niya.

Sa totoo, baon daw ito sa utang at nawalan ng bahay.

Nang malaman ni Yoon ang totoo, nagpasya raw siyang layuan si Choi. Sa CCTV, makikitang lumuhod si Choi habang nakikiusap sa aktres.

Sa isa pang video, makikitang pilit niyang hinila si Yoon pabalik sa sasakyan bago tuluyang isinara ang pinto.

Kalaunan, nakita si Choi na may dalang maleta papunta sa bundok.

Read also

Manager ng rapper na may nakitang nabubulok na bangkay sa kanyang kotse, nagsalita na

Nahuli siya dalawang araw matapos matagpuan ang katawan ni Yoon at kalaunan ay umamin matapos ipakita sa kanya ng pulisya ang bangkay ng biktima.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Ate Gay, emosyonal na nagpasalamat matapos makita ang mabilis na epekto ng radiation therapy

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: