45 patay sa pagguho ng Islamic school sa Java, Indonesia; search and rescue patuloy

45 patay sa pagguho ng Islamic school sa Java, Indonesia; search and rescue patuloy

  • Umabot na sa 45 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong paaralan sa Java, Indonesia
  • Ayon sa National Search and Rescue Agency (Basarnas), 149 kabuuang biktima ang na-recover mula sa guho
  • Patuloy ang operasyon ng mga rescuer para hanapin ang 26 pang nawawala
  • Ang gusali ay gumuho habang nagtitipon ang mga estudyante para sa panalangin ng Lunes

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Umabot na sa 45 katao ang nasawi sa pagguho ng isang paaralan sa Java Island, Indonesia, ayon sa opisyal na ulat ng National Search and Rescue Agency (Basarnas) nitong Linggo.

45 patay sa pagguho ng Islamic school sa Java, Indonesia; search and rescue patuloy
45 patay sa pagguho ng Islamic school sa Java, Indonesia; search and rescue patuloy (đź“·SouthEast Asian Gallery/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa ulat, biglaang gumuho ang bahagi ng multi-story na gusali ng isang Islamic boarding school habang nagtitipon ang mga estudyante para sa kanilang afternoon prayers noong Lunes. Dahil sa tindi ng pagguho, maraming estudyante at teachersang naipit sa ilalim ng guho ng semento at bakal.

“According to our calculation, the total number of victims we have evacuated are 149, with 45 reported dead … and 104 survivors,” pahayag ni Yudhi Bramantyo, operations director ng Basarnas, nitong Linggo. Ibinahagi rin niya na kabilang sa mga natagpuan ay ilang bahagi ng katawan ng mga biktima, tanda ng matinding pinsala ng pagguho.

Read also

Bago madagdagan ang bilang ng mga nasawi, inihayag ni Yudhi na 26 katao pa ang nawawala habang patuloy na nagsasagawa ng retrieval operations ang mga rescuer. Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy ang paghuhukay at pag-aalis ng mga debris gamit ang heavy equipment at manu-manong paghukay sa mga bahagi ng guho.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“We are still working around the clock,” aniya, habang nagpapatuloy ang rescue mission.

Kinumpirma rin ni Nanang Sigit, pinuno ng lokal na search and rescue agency, ang parehong death toll at tiniyak na hindi titigil ang mga tauhan hanggang sa mahanap ang lahat ng nawawala.

Ayon sa mga lokal na ulat, karamihan sa mga biktima ay mga kabataang estudyante na kasalukuyang nasa panalangin nang biglang bumigay ang ikatlong palapag ng gusali. Ang trahedya ay nagdulot ng matinding pagdadalamhati sa komunidad at nagpamulat sa publiko sa pangangailangan ng mas mahigpit na inspeksyon sa mga paaralan at pampublikong gusali sa bansa.

Ang bawat gusali, maging ito man ay paaralan, tirahan, o opisina, ay nakasalalay sa pundasyong matibay at maayos ang pagkakagawa. Ito ang unang depensa laban sa mga sakuna gaya ng lindol, pagbaha, at maging simpleng paglipas ng panahon. Kapag mahina ang pundasyon, nagiging banta ito hindi lamang sa istruktura kundi sa mismong buhay ng mga taong naninirahan o nagtatrabaho rito.

Read also

Sa mga bansang tulad ng Indonesia at maging sa Pilipinas, madalas nagiging sanhi ng mga pagguho ng gusali ang substandard materials, kakulangan sa regular na inspeksyon, at pagmamadali sa konstruksyon. Dahil dito, nagiging mas mahina ang integridad ng mga gusali at madaling bumigay kapag nakaranas ng matinding pagyanig o malakas na ulan.

Sa ulat ng Kami.com.ph, natagpuan na ang dalawang construction worker na una nang naiulat na nawawala matapos gumuho ang bahagi ng isang ginagawang gusali sa Laguna. Ayon sa lokal na pamahalaan, naganap ang aksidente habang ginagawa ang ikalawang palapag ng building. Pinuri ng mga opisyal ang mabilis na pagtugon ng mga rescuers sa lugar.

Isa pang ulat ng Kami.com.ph ang nag-ulat ng pagkamatay ng dalawang manggagawa at pagkasugat ng lima matapos gumuho ang isang ginagawang bodega sa Bulacan. Ayon sa imbestigasyon, hindi nakasunod sa tamang structural standards ang proyekto. Ang insidente ay muling nagpaalala sa kahalagahan ng maayos na construction safety protocols.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: