Tour bus sa Thailand, naaksidente; 18 nasawi at 23 sugatan

Tour bus sa Thailand, naaksidente; 18 nasawi at 23 sugatan

- Nasawi ang hindi bababa sa 18 katao at 23 ang nasugatan matapos mawalan ng preno ang isang tour bus sa Thailand

- Sinabi ng pulisya na nawalan ng kontrol ang driver sa pababang kalsada kaya bumaliktad ang sasakyan sa isang kanal

- Nagpahayag ng pakikiramay si Thai Prime Minister Paetongtarn Shinawatra at tiniyak na iniimbestigahan na ang insidente

- Ayon sa World Health Organization, kabilang ang Thailand sa mga bansang may mataas na bilang ng pagkamatay sa aksidente sa kalsada

Patay ang hindi bababa sa 18 katao habang 23 naman ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang tour bus at tumagilid sa isang kanal sa silangang bahagi ng Thailand ngayong Miyerkules, ayon sa pulisya.

Tour bus sa Thailand, naaksidente; 18 nasawi at 23 sugatan
Tour bus sa Thailand, naaksidente; 18 nasawi at 23 sugatan📷The Standard
Source: Facebook

"It was a downhill road and the brakes failed, and the driver lost control of the vehicle before it overturned," pahayag ni Colonel Sophon Phramaneehe, na nagdagdag na ang mga nasawi ay pawang matatanda na nasa isang study trip.

Read also

Mommy D, sinorpresa ng kanyang partner sa kanilang 11th anniversary

Ayon sa ulat ng pulisya, may kabuuang 49 katao ang sakay ng bus, lahat ay Thai, kabilang ang driver.

Sa mga larawang kumalat sa social media, makikita ang mga rescue at medical workers sa lugar ng aksidente sa Prachinburi province, 155 kilometro silangan ng Bangkok, habang tinutulungan ang mga biktima sa tabi ng bus na nakataob.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Thai Prime Minister Paetongtarn Shinawatra sa mga pamilya ng mga biktima at sinabing kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente.

"If it is found that there is a violation of the use of vehicles that do not meet the standards or are involved in reckless use of vehicles, legal action will be taken," aniya sa isang post sa X.

Dagdag pa niya, "Inspection of vehicles must be safe and pass the specified standards before they are put into use to prevent accidents and reduce losses like this again."

Kilala ang Thailand sa mataas na bilang ng aksidente sa kalsada dahil sa mahinang pagpapatupad ng vehicle safety standards at hindi maayos na mga lansangan. Sa ulat ng World Health Organization noong 2023, pang-siyam ang Thailand sa 175 bansang may pinakamataas na bilang ng pagkamatay sa aksidente sa kalsada.

Read also

Video ng pagligtas ng PNP, AFP at NCRPO sa 14-year-old Chinese kidnap victim, nilabas

Matatandaang noong Oktubre 1, 2024, isang malagim na aksidente ang naganap sa Khu Khot, Lam Luk Ka District, Pathum Thani Province, Thailand, kung saan isang bus na may sakay na mga estudyante at teacher ang nagliyab matapos bumangga sa isang roadside barrier sa Vibhavadi Rangsit Road. Ang insidente ay nagresulta sa pagkamatay ng 23 katao, kabilang ang 20 estudyante mula pre-school hanggang middle school, at 3 teacher. Ayon sa paunang ulat, sumabog ang kanang gulong sa unahan ng bus, dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at bumangga sa barrier, na nagdulot ng sunog sa ibabang bahagi ng sasakyan. Sa 44 na pasahero, 16 na estudyante at 3 teacher ang nakaligtas, habang ang natitirang 23 ay nasawi sa insidente.

Isang emosyonal na larawan ang kumalat online nitong Oktubre 1, 2024, kung saan makikita ang isang nagdadalamhating kaanak na tinatakpan ang mga mata ng isang batang kasama, habang dumadaan sila sa tapat ng nasunog na bus. Ang batang ito ay sakay ng ibang bus na kasama sa parehong school trip, ngunit nakaligtas sa trahedya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: