Picture ng nagdadalamhating kaanak ng isa sa mga biktima sa nasunog na bus, umantig sa marami

Picture ng nagdadalamhating kaanak ng isa sa mga biktima sa nasunog na bus, umantig sa marami

- Isang larawan ng nagdadalamhating kaanak ng biktima sa nasunog na bus ang umantig sa marami matapos makita online

- Nasawi ang 25 katao, kabilang ang 20 bata at 3 teacher, sa sunog ng isang school bus sa Thailand

- Ang driver ng bus ay sumuko na sa mga awtoridad at sinampahan ng kasong reckless driving at hindi pagbibigay ng tulong

- Kinumpirma ng driver na pumutok ang gulong ng bus, dahilan upang mawalan ng kontrol at magliyab ang sasakyan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang emosyonal na larawan ang kumalat online nitong Oktubre 1, 2024, kung saan makikita ang isang nagdadalamhating kaanak na tinatakpan ang mga mata ng isang batang kasama, habang dumadaan sila sa tapat ng nasunog na bus. Ang batang ito ay sakay ng ibang bus na kasama sa parehong school trip, ngunit nakaligtas sa trahedya.

Read also

20 estudyante at 3 teacher sa Thailand, nasawi matapos magliyab ang bus na sinasakyan nila

Picture ng nagdadalamhating kaanak ng isa sa mga biktima sa nasunog na bus, umantig sa marami
Picture ng nagdadalamhating kaanak ng isa sa mga biktima sa nasunog na bus, umantig sa marami (Photo by Manan VATSYAYANA / AFP)
Source: Facebook

Ayon sa ulat, isang mapaminsalang sunog ang tumama sa isang school bus na may sakay na 44 mag-aaral atteacher mula sa probinsya ng Uthai Thani patungong Bangkok. Sa kabila ng mga pagsisikap na iligtas ang mga sakay, nasa 25 katao ang pinangangambahang nasawi sa aksidente, kung saan 20 dito ay mga bata at tatlo ang teacher.

Matapos ang trahedya, sumuko na ang driver ng bus sa mga awtoridad. Siya ay sinampahan ng kasong reckless driving at hindi pagbibigay ng tulong. Kasalukuyan siyang iniimbestigahan ng mga pulisya kasunod ng kanyang pagkumpirma na pumutok ang gulong ng bus, dahilan upang ito ay mawalan ng kontrol at magliyab.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang malagim na aksidenteng ito ay isa na namang paalala ng matinding panganib sa mga kalsada ng Thailand, na kilala sa mataas na bilang ng mga aksidente, lalo na sa mga hindi naayos na mga sasakyan at delikadong mga kondisyon sa kalsada.

Read also

Goto Tendon, may pahayag sa umano’y pagtanggal ng food server na nagpakain ng Aspin

Samantala, sa ibang ulat, pito ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan matapos magbanggaan ang tourist bus at kotse sa Majayjay, Laguna. Agad rumisponde ang mga rescue teams mula sa Laguna at Quezon upang sagipin ang mga biktima .

Arestado naman ang isa sa dalawang gunmen sa naganap na pamamaril sa isang bus sa Nueva Ecija noong Nobyembre. Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng otoridad na nakasuhan daw ang dalawang gunmen, ang anak ng babaeng biktima at ang live-in partner nito at isa pang di nakikilalang driver.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: