44-anyos na lalaki, nagulantang sa nadiskubreng nakatarak sa kanyang dibdib sa loob ng 8 taon

44-anyos na lalaki, nagulantang sa nadiskubreng nakatarak sa kanyang dibdib sa loob ng 8 taon

  • Isang 44-anyos na lalaki ang nakadiskubre na may nakabaong kutsilyo sa kanyang dibdib nang halos walong taon
  • Natuklasan ito matapos siyang magpatingin sa doktor dahil sa nana na lumalabas mula sa kanyang kanang utong
  • Ayon sa ulat, nakulong sa loob ng kanyang dibdib ang talim ng kutsilyo mula sa isang marahas na away walong taon na ang nakalipas
  • Sumailalim siya sa operasyon, natanggal ang kutsilyo, at gumaling matapos ma-discharge sa ospital
Towfiqu barbhuiya on Pexels
Towfiqu barbhuiya on Pexels
Source: Original

Isang 44-anyos na lalaki sa Tanzania ang nagulat nang malaman na may nakabaong kutsilyo sa kanyang dibdib na nanatili roon sa loob ng walong taon.

Ayon sa ulat ng National Library of Medicine, nagpunta siya sa doktor matapos lumabas ang nana mula sa kanyang kanang utong.

Bagaman wala siyang nararamdamang sakit sa dibdib, hirap sa paghinga, ubo, o lagnat, naalala niya ang isang marahas na away walong taon na ang nakalipas kung saan nagtamo siya ng maraming sugat sa mukha, likod, dibdib, at tiyan.

Read also

Dagupan 7-year-old slay: Pulis tiniyak na “airtight” ang kaso laban sa mga suspek

Noong panahong iyon, nabigyan siya ng paunang lunas at natahi ang kanyang mga sugat, ngunit hindi siya sumailalim sa anumang body scan dahil walang pasilidad sa kanilang lugar.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isinagawang X-ray, nadiskubre ng mga doktor ang isang nakabaong bagay na metal sa kanyang dibdib—isang talim ng kutsilyo na napapaligiran na ng nana at patay na tisyu.

Agad siyang isinailalim sa operasyon at matagumpay na natanggal ang kutsilyo. Nanatili siya sa ospital at patuloy na mino-monitor hanggang sa ma-discharge makalipas ang sampung araw.

Ayon sa mga eksperto, mapanganib ang ganitong kondisyon dahil maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon gaya ng impeksyon, necrosis, at abscess.

Sa kaso ng lalaki, nakaligtas siya ng maraming taon dahil nakulong ang kutsilyo sa loob ng fibrous capsule ng kanyang katawan, na pansamantalang pumigil sa pinsala at pamamaga.

Gayunpaman, binigyang-diin ng ulat ang pangangailangan ng mas maayos na trauma management at mas ligtas na surgical care lalo na sa mga lugar na kulang sa pasilidad.

Read also

Mag-live-in couple sa Davao del Sur, patay matapos ang karumal-dumal na pananaksak at pananaga

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Away dahil sa kanin, nauwi sa trahedya: lalaki patay sa pananaksak sa Zamboanga

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na guro sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: