Ilang kandidata sa MU 2025, nag-walkout matapos ang insidente sa pagitan ni Nawat at Miss Mexico

Ilang kandidata sa MU 2025, nag-walkout matapos ang insidente sa pagitan ni Nawat at Miss Mexico

  • Umalis sa hall si Miss Mexico Fatima Bosch matapos itong pagalitan ni Nawat Itsaragrisil sa harap ng mga kandidata
  • Kasunod nito, ilang kandidata mula sa Latin America at iba pang bansa ang sumunod at nag-walkout din
  • Ang insidente ay naganap sa sashing ceremony ng Miss Universe 2025 sa Bangkok
  • Patuloy ang tensiyon sa pagitan ng MUO President Raul Rocha at Thai executive na si Nawat

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagiging mas mainit pa ang mga kaganapan sa Miss Universe 2025 matapos ang kontrobersyal na walkout ng ilang kandidata kasunod ng mainit na pagtatalo sa pagitan ni Nawat Itsaragrisil at ng pambato ng Mexico na si Fatima Bosch.

Ilang kandidata sa MU 2025, nag-walkout matapos ang insidente sa pagitan ni Nawat at Miss Mexico
Ilang kandidata sa MU 2025, nag-walkout matapos ang insidente sa pagitan ni Nawat at Miss Mexico (đź“·Miss Universe Thailand Facebook)
Source: Facebook

Ang insidente ay naganap noong Martes, Nobyembre 4, sa sashing ceremony na ginanap sa hotel residence ng mga kandidata sa Bangkok, Thailand. Sa livestream ng Miss Universe Thailand, makikitang pinatayo ni Nawat si Bosch at pinagalitan ito dahil hindi umano ito sumama sa sponsor shoot, pero pumayag daw magpa-video sa Telemundo.

Read also

Barangay tanod sa Bohol, nasawi matapos mabagsakan ng niyog sa kasagsagan ng bagyong “Tino”

Hindi nagustuhan ni Nawat ang naging sagot ni Bosch, kaya’t sinabihan niya itong manahimik o umalis. “If you don’t want to stay, leave the room,” ayon sa Thai exec. Pinili ni Bosch na lumabas ng hall, at agad sinundan ng ilan pang Latina candidates, kabilang ang mga kinatawan mula sa South America.

Habang paalis ang grupo, maririnig sa video si Nawat na sumigaw, “Stop, stop! Get security.” Ngunit hindi nito napigilan ang mga naglalabasan. Ilang minuto matapos iyon, maging ang reigning Miss Universe na si Victoria Kjær Theilvig ay nakita ring lumabas ng hall suot ang kanyang korona at sash bilang suporta sa mga kasamahan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa ulat ng Missosology, may ilang kandidata rin mula Asia at Africa na sumama sa walkout. Paglaon, karamihan ay bumalik sa hall matapos ayusin ng ilang staff ang sitwasyon. Gayunman, si Bosch ay nanatiling wala sa event.

Sa isa pang video ng Miss Universe Thailand, narinig si Nawat na sinasabing maaaring bumalik ang mga lumabas, maliban kay Bosch. “Let her come back if she wants,” ani pa niya. Ipinagpatuloy din ng mga natitirang kandidata ang sashing ceremony sa pangunguna ni Theilvig.

Ang insidente ay nag-ugat sa patuloy na banggaan sa pagitan ni Nawat at ng Miss Universe Organization (MUO) President Raul Rocha. Ayon sa mga ulat, hindi pinayagan ng MUO si Nawat na magkaroon ng access sa mga official Miss Universe social media pages matapos nitong magsagawa ng “unauthorized” online poll para sa isang special dinner.

Read also

Pekeng pastor, huli na nagta-traffic ng 3 pinoy para magtrabaho sa iligal na scam hubs sa Cambodia

Dagdag pa rito, nagpadala si Rocha ng sariling makeup team mula Mexico patungong Bangkok, kahit may itinalagang Thai sponsor ang organizing committee ni Nawat. Nagdulot ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang grupo.

Mas lalong tumindi ang kontrobersiya nang ipatawag ni Nawat ang Thai Police upang kumpiskahin ang mga materyales ng isang Filipino online gaming sponsor ng MUO dahil bawal ang mga sugal sa Thailand.

Sa kabila ng tensiyon, tuloy pa rin ang preparasyon para sa coronation night sa Nobyembre 21 sa Impact Challenger Hall sa Nonthaburi. Higit 120 kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang naglalaban-laban para sa titulo, kabilang si Ahtisa Manalo ng Pilipinas na umaasang makuha ang ikalimang korona para sa bansa.

Si Nawat Itsaragrisil ay founder at president ng Miss Grand International (MGI), isang tanyag na beauty pageant na nakabase sa Thailand. Kamakailan, nakuha ng kanyang kumpanya ang Miss Universe Thailand franchise at bahagi ng shares ng dating MUO CEO na si Anne Jakrajutatip, dahilan upang maging VP siya para sa Asia at Oceania ng Miss Universe Organization.

Kilala si Nawat sa kanyang matapang na pananalita at madalas na mga pahayag laban sa ibang pageant organizations, kabilang na ang MUO.

Read also

Kim Atienza, naiyak sa sulat ng kaibigan ng anak: “You’re an incredible father”

Maanghang na pahayag ni MGI founder Nawat Itsaragrisil, viral: “Filipinos, stop blaming” Noong nakaraang taon, naging mainit na usapan online ang pahayag ni Nawat matapos batikusin ng ilang Pinoy fans ang MGI pageant. Sa isang viral video, iginiit niyang tigilan ng mga Pilipino ang pagbibintang at paghahanap ng dahilan tuwing hindi nananalo ang kandidata ng bansa.

Nawat Itsaragrisil, nagsalita na kaugnay sa kontrobersyal na kaganapan sa MGI coronation Kamakailan, muling umani ng atensyon si Nawat matapos maglabas ng pahayag tungkol sa mga nangyaring aberya sa coronation night ng Miss Grand International. Ipinagtanggol niya ang kanyang team at iginiit na walang iregularidad na naganap sa resulta ng kompetisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate