Lalaki, ninakaw noong sanggol pa; napag-alamang anak pala siya ng milyonaryo

Lalaki, ninakaw noong sanggol pa; napag-alamang anak pala siya ng milyonaryo

- Isang 33-anyos na lalaki sa China na si Zhang Huaiyuan ang natuklasan ang kanyang tunay na pamilya na milyonaryo matapos manakaw ng duktor noong siya'y isinilang

- Ang duktor ay pinaniwala ang mga magulang ni Zhang na patay ang sanggol at ibinigay si Zhang sa kamag-anak na hirap magkaanak

- Lumaki sa mahirap na pamilya si Zhang at nalaman lamang ang katotohanan nang mamatay ang kanyang inaakalang ama

- Sa tulong ng mga pulis, natagpuan ni Zhang ang kanyang tunay na mga magulang at kinumpirma ng DNA test ang kanilang pagkakamag-anak

Isang 33-anyos na lalaki sa China ang nagkaroon ng kuwento na tila teleserye. Noong siya'y isinilang, ninakaw siya ng isang doktor at pinalaki sa isang mahirap na pamilya. Sa wakas, natuklasan niya ang katotohanan at natagpuan ang kanyang tunay na mga magulang na milyonaryo pala.

Lalaki, ninakaw noong sanggol pa; napag-alamang anak pala siya ng milyonaryo
Lalaki, ninakaw noong sanggol pa; napag-alamang anak pala siya ng milyonaryo
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, mala-pistang pag-uwi ang sumalubong kay Zhang Huaiyuan sa kanyang tunay na pamilya. Ang kanyang tunay na ina ay niyakap siya nang mainit, matapos paniwalaan ng doktor na patay na ang kanyang sanggol noon.

Read also

Vlogger, pinaniniwalaang pumanaw matapos gawin ang pinakahuling mukbang

Sa isang ospital sa Zhejiang, China nanganak si Mrs. Li kahit anim na buwan pa lamang siyang nagbubuntis. Dahil dito ay napaniwala sila nang sabihin ng doktor na hindi nabuhay ang sanggol. Nasa ilalim ng general anesthesia noong panahong iyon ang ina kaya hindi niya alam ang nangyari at maging ang asawang lalaki ay hindi na nakita pa ang anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lingid sa kanilang kaalaman ay buhay ang anak nila at ibinigay sa isang kamag-anak na hirap magkaanak. Hindi naging madali ang buhay ni Xhang dahil mahirap lamang ang kinalakihang ama at hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Inamin ng kanyang kinilalang ina ang lihim sa kanyang pagkatao nang mamatay ang kinalakhang ama.

Dahil dito ay nag-imbestiga si Zhang. Natagpuan niya ang kanyang tunay na mga magulang na milyonaryo pala. Nakumpirma ng mag-asawang milyonaryo na anak nila si Zhang batay sa resulta ng DNA test.

Read also

Nadia Montenegro, binasag ang katahimikan tungkol sa kanyang bunsong anak

Niregaluhan si Zhang ng CNY 1.2 milyon o katumbas ng mahigit P9.7 milyon sa kanyang pag-uwi. Ayon sa ama ni Zhang, lumaki ang kanilang anak na hindi alam ang kanyang sariling kaarawan. "Simula sa taong ito, sa wakas ay magdiriwang na ang aming pamilya ng magkasama," ayon kay Mr. Li.

Hindi pa malinaw kung magsasampa sila ng kaso laban sa doktor at sa pamunuan ng ospital.

Matatandaang may naganap na pagkakapalit ng sanggol sa isang ospital na itinampok sa KMJS. Matatandaang ang dalawang mag-ina ay nagpa-DNA test muli dahil 'di nila anak ang mga hawak na sanggol.

Matapos ang halos mahigit na isang buwan, nakumpirma nang nagkapalit nga ng sanggol ang pamilya Sifiata at pamilya Mulleno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel