Jay Costura, may mensahe sa natagpuang 'missing bride-to-be' at sa nobyo nito

Jay Costura, may mensahe sa natagpuang 'missing bride-to-be' at sa nobyo nito

  • Nagbigay ng pahayag si Jay Costura matapos na matagpuan ang 'missing bride-to-be' na si Sherra De Juan
  • Matatandaang humingi na ng tulong ang pamilya at nobyo ni De Juan kay Jay
  • Doon nabanggit ng kilalang psychic na tila buhay pa ang dalaga at nasabi pa nito ang lugar na maaring kinaroroonan nito
  • Matapos din siyang matagpuan, ilang video ang lumabas kung saan nagbigay pahayag si Sherra ukol sa nangyari sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng pahayag ang kilalang psychic na si Jay Costura matapos matagpuan ang dating tinaguriang missing bride-to-be na si Sherra De Juan, isang insidenteng umani ng matinding atensyon sa social media at publiko.

Jay Costura, may mensahe sa natagpuang 'missing bride-to-be' at sa pamilya nito
Jay Costura, may mensahe sa natagpuang 'missing bride-to-be' at sa pamilya nito (Jay Costura YouTube)
Source: Facebook

Matatandaang noong kasagsagan ng pagkawala ni Sherra, humingi ng tulong ang kanyang pamilya at nobyo na si Mark Arjay Reyes kay Costura.

Sa kanyang naging pahayag noon, iginiit ng psychic na buhay pa ang dalaga at binanggit pa ang posibleng lugar kung saan ito maaaring matagpuan.

Read also

Sherra De Juan, isinalaysay ang ilang pangyayari bago siya natagpuan ng taong tumulong sa kanya

Dahil dito, umasa ang pamilya at mga tagasuporta ni Sherra na ligtas itong makikita.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos ang ilang araw ng paghahanap, matagumpay na natagpuan si Sherra na ligtas at nasa maayos na kalagayan.

Kasunod nito, lumabas ang ilang video kung saan personal na nagbigay ng pahayag ang dalaga hinggil sa mga nangyari sa kanya at sa mga dahilan ng kanyang pagkawala. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa mga taong tumulong at nagdasal para sa kanyang kaligtasan.

Bilang reaksyon, nagbahagi rin si Jay Costura ng isang video na inialay niya kina Sherra at RJ. Kalakip nito ang caption na kanyang ibinahagi sa social media:

"Sa Bride at kay RJ ito song ko para sa inyo happy ako at safe si bride ... Location spotted sa cards ko Thank you Lord sa gift na ibinigay mo sa akin di po ako mag sasawang tumulong sa paraang ipinagkaloob mo sa akin,"

Dahil sa kaganapang ito, muling naging paksa ng diskusyon ang papel ng mga psychic sa mga kontrobersyal na isyu tulad ng nangyari sa 'missing bride-to-be'.

Read also

Stela Francisco, kinagiliwan sa kanyang nakatutuwang 'fan service'

Gayunpaman, iginiit ni Costura na patuloy lamang siyang tutulong sa abot ng kanyang makakaya, lalo na kung ang layunin ay ang kaligtasan ng isang tao.

Si Sherra De Juan ay isang babaeng nakilala ng publiko matapos siyang iulat na nawawala at tinaguriang “missing bride-to-be.” Ayon sa mga ulat, ilang araw siyang hindi nakauwi sa kanilang pamilya, dahilan upang magdulot ng pangamba at espekulasyon sa social media. Kalaunan, natagpuan siya sa Pangasinan matapos tulungan ng isang nagmalasakit na motorista at ihatid sa pulisya. Sa mga panayam, ibinahagi ni Sherra ang kanyang pagiging mahiyain, kakulangan sa pera, at mga takot na naranasan habang naglalakbay mag-isa. Sa kasalukuyan, ligtas na siya at muling nakapiling ang kanyang pamilya. Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang buong pangyayari para sa linaw.

Samantala, sa hiwalay na panayam sa fiancé ni Sherra, na si Mark Arjay Reyes, nasabi nitong walang pagsidlan ang kanilang kasiyahan na natagpuan na nila ang kasintahan. Hindi lamang ito halata gayung pagod at talagang balisa siya at kanilang pamilya sa paghahanap kay Sherra na halos tatlong linggo ring nawala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica