Kim Atienza sa pagpanaw ng anak: "Emman did not die in vain"
- Nakumusta ni Jessica Soho si Kim Atienza kaugnay sa biglaang pagpanaw na anak nitong si Emman
- Nagbigay ng makabuluhang mensahe si 'Kuya Kim' ukol sa maagang pag-iwan sa kanila ni Emman
- Naidetalye rin nito paano nila nalaman ng kanyang asawa ang nangyari sa anak at paano nila ito dinadala sa ngayon
- Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ng content creator na si Emman Atienza noong Oktubre 22
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpaunlak ng panayam si Kim Atienza sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” upang pag-usapan ang masakit na karanasang dulot ng pagpanaw ng kanyang anak na si Emman Atienza.

Source: Youtube
Sa nasabing panayam, hindi napigilang maging emosyonal si Kuya Kim habang inaalala ang kanyang anak na ilang ulit nang nakipaglaban sa sakit na dulot ng mental health struggles.
Aniya, “No’ng namatay si Emman—kasi we know that Emman’s sick, and she had a few attempts in the past. And my prayer to the Lord—every single day—was for this not to happen, for Emman to be safe, for Emman to be happy, for Emman to heal, yet this happened.”
Ibinahagi rin niya na sa kabila ng kanyang matinding pagdarasal, tanggap niya na may mga bagay na hindi kayang kontrolin ng tao at tanging Diyos lamang ang nakakaalam ng dahilan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kahit matinding sakit at pighati ang nadarama, pinipili pa rin ni Kuya Kim ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos.
Aniya, “I know that nothing happens as an accident. And I know that all things work out well. Everything is planned by the Lord. I know that this is not in vain. Emman did not die in vain. May dahilan at ang dahilan ay maganda. That gives me peace.”
Gayunpaman, inamin ni Kuya Kim na iba ang sakit na kanyang nararamdaman tuwing siya'y nag-iisa lamang. Subalit sa tulong ng mga taong nagmamahal at dumaramay sa kanila, naiibsan ang pangungulila niya sa kanyang anak.
Ang kanyang mga salita ay nagsilbing paalala sa publiko na ang pag-asa at kapayapaan ay makakamtan pa rin kahit sa gitna ng pinakamabigat na pagkawala, at nawa’y magsilbing inspirasyon ito upang mas mapalalim ang pag-unawa sa mga isyung may kinalaman sa mental health.
Narito ang bahagi ng panayam sa kanya ni Jessica Soho:
Si Emman Atienza ay anak ni Kuya Kim at ng asawa niyang si Fely Atienza. Nakilala si Emman bilang isang content creator at digital artist na aktibo sa social media. Kilala siya sa paggawa ng mga malikhaing nilalaman na naglalarawan ng kanyang mga karanasan, pananaw sa buhay, at mga inspirasyon para sa kapwa niya kabataan.
Maraming netizens ang humanga kay Emman dahil sa kanyang pagiging matalino, malikhain, at mapagmahal sa pamilya. Gayunman, noong Oktubre 22, 2025, gumulantang sa publiko ang balitang pumanaw siya, na nagdulot ng matinding dalamhati sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagasuporta.
Sa mga panayam, ibinahagi ni Kuya Kim na si Emman ay isang mabuting anak na may malalim na pag-iisip at may kakayahang magbigay ng saya sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang nilalaman. Hanggang sa kanyang pagpanaw, nananatiling buhay sa puso ng pamilya Atienza at ng kanilang mga tagahanga ang alaala at kabutihang iniwan ni Emman.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

