Kim Atienza, idinetalye paano nalaman ang pagpanaw na anak na si Emman

Kim Atienza, idinetalye paano nalaman ang pagpanaw na anak na si Emman

  • Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpaunlak ng panayam kay Kim Atienza sa programang KMJS
  • Doon, kinumusta siya ni Jessica Soho at kanya namang naiahayag paano nalaman ang malungkot na balitang pumanaw na ang kanyang anak na si Emman Atienza
  • Nabanggit din niyang araw-araw niyang dasal sa Panginoon ang tungkol sa araw na ito na ayaw niyang mangyari
  • Matatandaang gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ng anak ni Kuya Kim na si Emman na nakilala rin bilang isang content creator

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpaunlak ng panayam si Kim Atienza o mas kilala bilang “Kuya Kim” sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) upang magbahagi ng kanyang damdamin at karanasan kaugnay sa pagpanaw ng kanyang anak na si Emman Atienza, isang kilalang content creator.

Kim Atienza, idinetalye paano nalaman ang pagpanaw na anak na si Emman
Kim Atienza (Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Sa nasabing panayam, kinumusta siya ni Jessica Soho, at dito niya unang naibahagi kung paano nila nalaman ang malungkot na balita. Ayon kay Kuya Kim, dalawang araw bago nangyari ang trahedya ay may napansin na silang kakaiba sa kilos ni Emman.

Read also

Kim Atienza sa pagpanaw ng anak: "Emman did not die in vain"

“Oh my God Jessica, two days before that we knew there was a problem. Emman texted her mommy, sabi niya ‘mom I’m in an emergency right now but worry not, there’s no self harm,’” ani Kuya Kim.

Pagpapatuloy niya, “But I need to go to a therapy center so ‘yun ang message. So we knew there’s something wrong.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi rin ni Kuya Kim ang kanilang mga naging pagtatangka upang makontak si Emman. “We tried calling her, hindi sumasagot. And then the next day we tried calling her again, hindi naman sumasagot. So I knew. I was in the Philippines, Fely was in Florida meron siyang pickle ball championship. Buti nalang nasa America na siya when that happened but I was waiting here.”

Matindi ang emosyon na nadama ni Kuya Kim nang marinig na ang pinakamasakit na balita mula sa kanyang asawa. “And on the second day, I woke up in the morning. May message si Fely. I have terrible, terrible news. I knew already, napaluhod ako. Sabi ko Lord ito na,” aniya habang halos maiyak sa panayam.

Dagdag pa niya, “I called Fely. And Fely said na, ‘Emman’s gone.’ Nanlambot ako. Nanlamig ako. And ang nasa utak ko ‘Lord, dasal ko ‘to sa’yo araw araw. Why?’”

Read also

Zsa Zsa Padilla, hindi na nakapagtimpi sa mga bashers: "Sarap nyo tirisin!"

Ayon kay Kuya Kim, araw-araw niyang idinadasal sa Panginoon na huwag sanang dumating ang araw na ito—ang araw na mawalan siya ng anak.

Si Emman Atienza ay anak ni Kuya Kim at ng asawa niyang si Fely Atienza. Nakilala si Emman bilang isang content creator at digital artist na aktibo sa social media. Kilala siya sa paggawa ng mga malikhaing nilalaman na naglalarawan ng kanyang mga karanasan, pananaw sa buhay, at mga inspirasyon para sa kapwa niya kabataan.

Maraming netizens ang humanga kay Emman dahil sa kanyang pagiging matalino, malikhain, at mapagmahal sa pamilya. Gayunman, noong Oktubre 22, 2025, gumulantang sa publiko ang balitang pumanaw siya, na nagdulot ng matinding dalamhati sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagasuporta.

Sa mga panayam, ibinahagi ni Kuya Kim na si Emman ay isang mabuting anak na may malalim na pag-iisip at may kakayahang magbigay ng saya sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang nilalaman. Hanggang sa kanyang pagpanaw, nananatiling buhay sa puso ng pamilya Atienza at ng kanilang mga tagahanga ang alaala at kabutihang iniwan ni Emman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica