Lalaking umano'y tinawag na ‘kabayo’, arestado matapos managa
- Isang motorcycle rider ang sugatan matapos tagain sa mukha ng lalaking nakilala bilang alyas “Boy Itak” sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan; nagsimula ang gulo nang akalain ng suspek na siya ay tinutukso o tinatawag na “kabayo”
- Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bumaba ang biktima mula sa kanyang motorsiklo upang makipagkuwentuhan sa ilang kakilala nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng bolo at walang abiso na umatake
- Daplis lamang sa kaliwang pisngi ang tinamo ng biktima kaya’t agad siyang nakaligtas sa mas malalang pinsala; mabilis ding nakatugon ang mga tanod na nagpapatrolya sa lugar kaya’t naaresto ang suspek bago pa makatakbo
- Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang buong detalye ng insidente at kung may iba pang personal na alitan na ugat ng galit ni alyas “Boy Itak,” habang nagpapaalala ang pulisya laban sa paggamit ng karahasan bilang tugon sa simpleng tukso o biruan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nauwi sa pananaga ang isang hindi inaasahang engkwentro matapos masaktan umano ang pride ng isang lalaki na tinaguriang alyas “Boy Itak” sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan. Sugatan ang isang motorcycle rider matapos tamaan ng bolo sa mukha sa insidente nitong Setyembre 21, madaling-araw.

Source: Facebook
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Sitio Proper, Barangay Talbak. Ang biktima, na hindi pinangalanan, ay bumaba mula sa kanyang motorsiklo matapos makakita ng mga kakilala at nakisali sa umpukan.
Ngunit sa kalagitnaan ng kasiyahan, sumulpot ang suspek na armado ng itak at galit na sumigaw ng, “Sinong kabayo?!” Sa sobrang init ng ulo, agad nitong tinaga sa mukha ang rider na kanyang pinagbintangan na tumutukso o nagbansag sa kanya ng “kabayo.”
Daplis lamang sa kaliwang pisngi ang tinamo ng biktima, dahilan upang makaligtas siya sa mas matinding pinsala. Hindi naman nakalayo ang suspek dahil agad dumating ang mga nagpapatrolyang tanod na rumisponde at nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa ilalim ng batas, ang pananaga na kinasangkutan ng suspek na si alyas “Boy Itak” ay maituturing na serious physical injury kung sakaling mapatunayang malalim at nakamamatay ang sugat, o less serious physical injury naman kung daplis at hindi nagdulot ng pangmatagalang pinsala sa biktima. Maaari rin itong mauwi sa frustrated h0micide kung mapatunayan ng korte na ang layunin ng suspek ay pumatay ngunit hindi natuloy dahil sa mabilis na pagkakaresponde ng mga tanod at sa hindi kritikal na tama ng bolo.

Read also
Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”
Sa kaso ni alyas “Boy Itak,” malinaw na naging dahilan ang umano’y paniniwalang siya ay tinutukso bilang “kabayo.” Muli nitong ipinakita kung gaano kabilis mauwi sa karahasan ang simpleng pang-aasar o hindi pagkakaintindihan.
Sa ulat ng KAMI, trahedya ang naging resulta ng pagtatalo ng magtiyuhin sa Negros Oriental matapos silang parehong magtagaan. Sa sobrang tindi ng galit, nauwi ito sa pagkamatay ng dalawang kamag-anak. Isa na namang patunay kung paano nakapipinsala ang init ng ulo at matalim na armas.
Sa isa pang kaso ng pananaga na iniulat ng KAMI, isang 72-anyos na lalaki ang nasawi matapos umanong tagain ng mismong kapatid. Lumalabas na matagal nang may alitan ang magkapatid, at sa isang mainitang pagtatalo ay nauwi ito sa malagim na trahedya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh