Ninong Ry, emosyonal sa paulit-ulit na baha: “Hindi deserve ng Pilipino ‘to”

Ninong Ry, emosyonal sa paulit-ulit na baha: “Hindi deserve ng Pilipino ‘to”

  • Naglabas ng mahabang saloobin si Ninong Ry sa Facebook kung saan idinetalye niya ang personal na karanasan sa matinding pagbaha na ilang dekada na nilang tinitiis dahil sa palpak at tiwaling flood control projects
  • Ibinahagi ng food vlogger ang sakit ng paulit-ulit na pagkawala ng ari-arian at alaala, kabilang ang mga family album at gamit sa bahay, at ang hirap na dulot ng mga delubyong tila naging normal na bahagi na ng kanilang buhay
  • Iginiit niyang hindi dapat tanggapin ng mga Pilipino ang ganitong sitwasyon lalo na’t lumabas ang mga isyu ng korapsyon sa flood control funds, na aniya’y tila “para tayong iniputan sa ulo” bilang mga nagbabayad ng buwis
  • Umapela si Ninong Ry na ayusin ang problema at papanagutin ang mga nasa likod ng katiwalian, sabay diin na “Hindi deserve ng Pilipino to… ayusin niyo ‘to”

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi na napigilan ni Ninong Ry ang kanyang emosyon matapos muling sumabog ang isyu ng korapsyon sa flood control projects, na matagal nang tinuturing na dahilan ng patuloy na pagdurusa ng milyong Pilipino sa baha.

Read also

Viy Cortez, pumalag matapos ma-bash nang makibahagi sa Trillion Peso March

Ninong Ry, emosyonal sa paulit-ulit na baha: “Hindi deserve ng Pilipino ‘to”
Ninong Ry, emosyonal sa paulit-ulit na baha: “Hindi deserve ng Pilipino ‘to” (📷Ninong Ry/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang mahabang Facebook post, ibinuhos ng food vlogger ang sakit at hinanakit na ilang dekada na nilang dinadala dahil sa pagbaha. Ibinahagi niya kung paanong halos buong buhay niya ay nasanay na silang tanggapin ang baha bilang normal na bahagi ng pamumuhay—pero tanong niya, dapat ba talaga ganito kahirap?

“Buong buhay ko, binabaha na kami… natutunan naming tanggapin, natutunan naming mag-adapt. Pero ganun nga ba talaga? Dapat ba ganto kasalimuot?” aniya.

Muli niyang inalala ang ilang pagkakataon kung saan inanod ng baha ang kanilang mga gamit, alaala, at mga naipundar. Pinakatumatak sa kanya ang panahon na kakapanganak pa lang ng kanyang asawa, ngunit sinalanta pa rin sila ng matinding pagbaha. “Ako bilang sanay na, pinapakalma ko siya pero ang totoo, nababaliw na din ako,” pagbubunyag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasabay nito, hindi itinago ni Ninong Ry ang galit nang madiskubre na ang pondo para sa flood control projects ay napunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal at contractors. “Tas biglang lalabas ang issue na ang lintik na budget pala… e napunta lang sa mga taong sakim? Ang sakit sa loob ko. Para tayong iniputan sa ulo,” mariing sinabi niya.

Read also

Mayor Isko, sinigurong makakasuhan ang mga sangkot sa magulong rally sa Maynila

Dagdag pa niya, masakit na paulit-ulit nilang dinaranas ang mga delubyo habang nananatiling kumplikado at malabo ang imbestigasyon sa mga anomalya. “Hindi deserve ng Pilipino to. Hindi natin deserve na paulit-ulit anurin. Sana kung sino man ang mga taong nasa likod nito e magbayad,” panawagan niya.

Si Ninong Ry o Ryan Morales Reyes ay isang kilalang food content creator na naging viral dahil sa kanyang nakakatawang pero makabuluhang cooking videos. Bukod sa pagiging vlogger, kilala rin siya bilang isang ordinaryong Pilipino na hindi nagdadalawang-isip magbahagi ng kanyang opinyon tungkol sa mga isyu sa lipunan. Para kay Ninong Ry, mas epektibo ang paggamit ng humor upang mailapit sa tao ang seryosong problema gaya ng baha at katiwalian.

Noong nakaraang buwan, ibinahagi ni Ninong Ry na muling nalubog sa baha ang kanilang bahay dahil sa malakas na pag-ulan at habagat. Sa kabila nito, nagbigay siya ng mensaheng puno ng pag-asa at hinikayat ang mga netizens na patuloy na kumapit at huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng sakuna. Ang post na ito ay umani ng libo-libong komento at suporta mula sa kanyang mga followers.

Read also

Mga taga-Hagonoy, lumusong sa baha para ipanawagan ang hustisya laban sa korapsyon

Kamakailan ay napilitan si Ninong Ry na iwan ang kanyang kitchen studio na naging tahanan ng kanyang content creation dahil sa hindi na makayang paulit-ulit na pagbaha. Aniya, masakit ang desisyon ngunit kinakailangan para sa kaligtasan at para maituloy ang kanyang trabaho. Maraming netizens ang nagpahayag ng lungkot at sabay nagbigay ng dasal at suporta para sa kanyang bagong simula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate