Jam Magno, sinagot ang pasabog post ng mister tungkol sa umano’y pananakit: “Prove it in court”

Jam Magno, sinagot ang pasabog post ng mister tungkol sa umano’y pananakit: “Prove it in court”

  • Naglabas ng Facebook post ang mister ni Jam Magno tungkol sa umano’y naranasan niyang pisikal na pang-aabuso
  • Ibinahagi niya ang mga sugat na nakuha batay sa medical examination at sinabing galing ito sa pananakit
  • Sa TikTok, itinanggi ni Jam at sinabing korte ang dapat humusga sa akusasyon ng kaniyang asawa
  • Pinanindigan niyang palaging pipiliin ang kapakanan ng anak at hindi na siya sasali sa “drama”

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Mainit ang palitan ng pahayag ng mag-asawang Jam Magno at Edgar Concha Jr. matapos maglabas ng pasabog na Facebook post ang mister ng social media personality hinggil sa umano’y pisikal na pang-aabuso na kaniyang naranasan.

Jam Magno, sinagot ang pasabog post ng mister tungkol sa umano’y pananakit: “Prove it in court”
Jam Magno, sinagot ang pasabog post ng mister tungkol sa umano’y pananakit: “Prove it in court” (📷The Jam Magno/Facebook)
Source: Instagram

Matatandaang nag-upload si Concha ng medical examination results kung saan nakasaad ang mga tinamo niyang sugat gaya ng multiple abrasions sa left temporal area, soft tissue contusion, hematoma sa left sclera, at nail scratch sa braso. Ayon sa kaniyang post, “It’s funny how you immediately deleted all your recent posts against me after I gave a warning that I would expose you for who you really are.”

Read also

Vice Ganda, tinawag ang kanyang FAMAS Best Actor trophy na “biggest clapback”

Dagdag pa niya, “Well, remember this? Ako pala si Ed ang tinawag mo na bayot buang and abog. Sana masaya ka sa ginawa mo.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi man binanggit ni Concha ang pangalan ng kaniyang tinutukoy, malinaw sa ilang bahagi ng kaniyang salaysay na tumutukoy siya sa kaniyang “asawa.” Kwento niya, nagsimula ang lahat nang magbanggit siya tungkol sa posibilidad ng DNA test kaugnay sa anak na si Tony, na umano’y nag-ugat sa kasong kinakaharap ng kaniyang kausap.

Ayon sa post ni Concha, nagalit umano ang asawa nang marinig ang mungkahi ukol sa DNA test, at dito na raw nagsimula ang pisikal na pananakit. “You punched me not once or twice but 4 times in my face… then you bit me at my back while I was hugging you,” aniya.

Kuwento pa ni Concha, humantong pa sila sa police station matapos akusahan siyang gusto umanong patayin ang asawa. Ngunit aniya, hindi naniwala ang mga pulis sa pahayag ng asawa at payo pa raw sa kaniya ng hepe ay kumuha ng medico-legal report “just in case babaliktarin ang kwento.”

Read also

Tuesday Vargas, inamin ang autism, ADHD at laban sa mental health

Samantala, hindi naman pinalampas ni Jam Magno ang mga sinabi ng mister. Sa TikTok video, mariin niyang sinabi na hindi na siya papatol sa “drama” ng asawa. “I will no longer be addressing your drama and justifying it with a response. It is already enough that you have proven why it was the best decision for Tony and I to leave you,” ani Jam.

Dagdag pa niya, “Whatever it is that you are saying on social media, you must be ready to prove in court… Find lawyers that would protect you because you’re gonna need it. Because I’m gonna make sure that both Tony and I are protected from the likes of you.”

Bago niya tinapos ang video, muling iginiit ni Jam na anak ang lagi niyang uunahin. “We wish you well, ingat!”

Si Jam Magno ay isang kontrobersyal na social media personality na sumikat dahil sa kaniyang mga viral at kadalasan ay divisive na opinyon online. Kilala siya sa pagiging outspoken at sa paglahok sa iba’t ibang isyu, dahilan para umani ng kritisismo at suporta mula sa publiko. Sa kabila ng kaniyang online presence, ilang beses na rin siyang nadawit sa mga legal na kaso.

Read also

Gary Valenciano binigyang-pugay ang tapang at pagiging ina ni Kris Aquino

Noong Enero 2024, naglabas ng pahayag si Jam Magno upang linawin na siya ay kusang nagsurrender at hindi inaresto, kasunod ng kumalat na balita tungkol sa kaniyang pagkakadakip. Aniya, gusto niyang ipakita na handa siyang harapin ang mga isyung legal na kinakaharap niya. Binigyang-diin din niya na mas mahalaga para sa kaniya na manatiling matatag para sa anak.

Kamakailan lang, muling naging usap-usapan si Jam matapos siyang magsurrender sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa tatlong kasong cybercrime. Ayon sa ulat, ito ay kaugnay ng mga reklamong isinampa laban sa kaniya kaugnay ng mga kontrobersyal na posts niya online. Pinakita raw ni Jam na siya ay handang sumunod sa proseso ng batas at patunayan ang kaniyang panig sa korte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate