Estudyante, nagawang saktan ang titser dahil hindi umano ito nabigyan ng 'perfect score'

Estudyante, nagawang saktan ang titser dahil hindi umano ito nabigyan ng 'perfect score'

  • Gumulantang sa publiko ang umano'y kumakalat na video ng pananakit ng isang estudyante sa kanyang teacher
  • Sinasabing 18/20 ang score na nakuha ng mag-aaral subalit nagawa pa rin nitong umapela sa kanyang gurö
  • Inaasahang perfect score ang makukuha ng mag-aaral na labis niyang ikinadismaya nang malamang kinulang pa siya ng dalawang puntos
  • Humingi ng paumanhin at patawad ang magulang ng mag-aaral at pansamantala na umanong suspendido ay may sala

Isang Grade 11 na estudyante ang nagawang sampalin at saktan ang kanyang teacher matapos umano itong hindi bigyan ng perpektong marka sa midterm exam.

Sa ulat ng Balita ng Manila Bulletin, naganap ang insidente sa isang paaralan sa Thailand noong Agosto 5.

Nakakuha umano ang estudyante ng 18 sa kabuuang 20 puntos, dahilan upang tila kwestyunin nito ang gurö kung bakit hindi siya nakakuha ng perpektong marka.

Paliwanag umano ng gurö, tama man ang mga sagot ng estudyante, wala itong inilagay na computation o solusyon na hinihingi sa tanong.

Read also

Dalawang lalaki, arestado sa panloloob at panggagahasa sa isang resort sa Cavite

Pinayuhan pa umano nito ang mag-aaral na magtanong at magpayo sa ibang gurö ukol sa pamantayan ng pagmamarka.

Ayon sa nakalap ng DepEd Tambayan, nagtanong nga ang estudyante sa iba pang gurö at nakatanggap ng parehong paliwanag.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pagbalik sa silid-aralan, hiningi umano ng mag-aaral na dagdagan na lamang ang kanyang puntos, ngunit tumanggi ang teacher.

Dito na umano nagalit ang estudyante at lumabas ng silid-aralan. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ito at sinuntok ang gurö sa mukha sa harap ng mga kaklase.

Kitang-kita 'di umano sa CCTV na bukod sa suntok, pinukpok pa umano ng estudyante ang teacher gamit ang isang upuan.

Dahil dito, nagtamo ng pasa sa kaliwang mata at pamamaga sa ulo at tadyang ang teacher.

Ilang araw matapos ang naturang insidente, nagsampa ng reklamo ang teacher laban sa estudyante. Humingi naman ng paumanhin ang mga magulang ng mag-aaral, na pansamantalang sinuspinde mula sa klase.

Read also

Tipak ng semento, bumagsak sa tatlong estudyante sa QC — dalawa kritikal

Samantala, kamakailan lamang ay gumulantang sa publiko ang ulat sa isang Grade 11 na estudyante ang diumano’y pumatay sa kanyang gurö na si Danilo Barba Jr., gamit ang .45-caliber pistol, dahil sa pagbagsak nito sa kaniyang asignatura.

Naganap ang shooting habang papapasok pa lang ang gurö sa paaralan. Sumuko agad ang estudyante noong Agosto 5, kasunod ang pag-aresto sa kanya.

Pumanaw na ang isang 15-anyos na Grade 10 na estudyante na binaril ng kaniyang dating nobyo sa loob ng kanyang silid-aralan sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, anim na araw matapos ang insidente.Ang biktima, residente ng Barangay La Fuente, ay binawian ng buhay bandang alas-6 ng gabi noong Martes, Agosto 12, 2025. Mula pa noong Agosto 7, siya ay nakaratay sa coma dahil sa malubhang tama ng bala sa ulo. Ayon sa mga doktor, hindi na bumuti ang kanyang kondisyon habang nananatili sa ospital.

Ayon sa pulisya, ang suspek na namatay kinabukasan matapos ang insidente, ay hindi umano matanggap ang kanilang paghihiwalay. Nanatili sa ulo ni Zhane ang bala na tumama sa kanya dahil itinuring ng mga doktor na masyadong mapanganib ang operasyon bunsod ng kanyang hindi matatag na kondisyon. Ayon sa pamunuan ng ospital, sakop ng no-balance-billing policy ng Department of Health ang kanyang gamutan. Nakarekober ang pulisya ng isang .22-caliber snub-nose revolver na walang serial number sa pinangyarihan ng insidente, at patuloy na tinutunton ang pinagmulan nito. Nakipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa Department of Education upang magbigay ng trauma counseling sa mga mag-aaral at gurö, habang nire-review at pinahihigpit ang mga panseguridad na hakbang sa mga paaralan. Ibinigay na sa pamilya sa Barangay La Fuente, Sta. Rosa, ang labi ng biktima.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica