Mga estudyante sa Nueva Vizcaya, nalalagay sa panganib sa pagtawid sa sirang tulay

Mga estudyante sa Nueva Vizcaya, nalalagay sa panganib sa pagtawid sa sirang tulay

  • Ang mga estudyante ng Pinayag National High School sa Sitio Macdu, Barangay Pinayag, Kayapa, ay nagtataglay ng panganib araw-araw dahil sa gumuhong tulay
  • Nasira ang lumang tulay dahil sa epekto ng Super Typhoon Pepito noong Nobyembre 2024 kaya steel cable na lang ang tinatawid
  • Maraming estudyante ang naglalakad ng ilang oras, lalo na tuwing tag-ulan, habang ang iba ay tumutuloy sa boarding house
  • Lokal na residente at teachers sina Crïzõn Tasin Attiw at Glory Madawat‑Smith, nananawagan sa gobyerno ng agarang aksyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sinasalubong ng hamon ang araw-araw na pagpasok sa klase ng mga estudyante ng Pinayag National High School sa Sitio Macdu, Barangay Pinayag, Kayapa, Nueva Vizcaya. Ayon sa viral na video ni Crïzõn Tasin Attiw at Glory Madawat‑Smith na iniulat ng GMA News, nawalan ng tuloy-tuloy na daanan ang mga residente nang wasakin ng Super Typhoon Pepito noong Nobyembre 2024 ang tulay na dati'y nag-uugnay sa kanila pauwi at paaralan.

Mga estudyante sa Nueva Vizcaya, nalalagay sa panganib sa pagtawid sa sirang tulay
Mga estudyante sa Nueva Vizcaya, nalalagay sa panganib sa pagtawid sa sirang tulay (📷Crïzõn Tasin Attiw/Glory Madawat-Smith via GMA Regional TV)
Source: Facebook

Sa ngayon, ginagamit ng mga bata ang natitirang steel cable sa ibabaw ng rumaragasang ilog – isang panganib na hindi maikakaila. Ayon kay Madawat‑Smith, “pag-lalakarin mo makukuha mo talaga 'yung kalahating araw, more than pa nga pag umuulan”

Kapag tag-ulan, nahahati sa dalawang bahagi ang araw ng paglalakad ng ilan—isa pa ring dahilan para may mag-overnight sa boarding house.

Ngunit kahit andoon man ang boarding house, madalas itong hindi sapat o stable. Ayon kay Madawat‑Smith, “Minsan nawawalan ng boarding house ang mga bata o kaya'y wala silang tinitirhan na matino,” kaya minsan tumutuloy sa bahay ng mga teachers ang ibang estudyante

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bilang tugon, umaasa ang buong komunidad sa lokal na pamahalaan para magtayo ng mas matibay at ligtas na hanging bridge at boarding facility para sa mga bata.

Ang bukas, Hulyo 8, 2025, ay inaasahang magsasagawa ng site assessment upang masukat ang pangangailangan at posibilidad ng pagtatayo ng tulay at dormitoryo

. Hangad nina Attiw at Madawat‑Smith na hindi lamang tulay ang maitayo, pati na rin dormitoryo — dahil sa pagdami ng estudyante mula sa iba’t ibang sitio at barangay.

Sa Pilipinas, ang sistema ng edukasyon ay kinakaharap ng samu’t saring hamon—isa na rito ang epekto ng klima at lokasyon. Marami sa mga pampublikong paaralan sa probinsya ang nasa mga lugar na mahirap daanan, lalo na kapag tag-ulan. Ang mga titser sa mga liblib na barangay ay madalas kailangang maglakad ng ilang oras, tumawid sa mga ilog, at minsan ay mag-biyahe sa mga bangka, para lamang makapagturo.

Bagama’t maraming programang sumusuporta sa mga ganitong lugar, kapos pa rin ang imprastraktura gaya ng mga tulay at kalsada. Minsan, ang kakulangan sa access ay nagiging hadlang hindi lang sa pagpasok ng mga titser, kundi pati sa pag-aaral ng mga bata. Sa mga ganitong sitwasyon, malinaw kung gaano kabigat ang sakripisyo ng mga titser sa mga komunidad na ito.

Isang inspiring na kwento ng tagumpay ang nag-viral kamakailan—isang 64-anyos na lolo na dating parte ng batch 1979 sa UST ang sa wakas ay nagtapos ng kolehiyo. Matapos ang ilang dekadang pag-aantay, muling bumalik sa eskwela si Lolo at itinuloy ang kanyang pangarap.

Mula naman sa Leyte, isang 70-anyos na lolo ang nagpupursiging matapos ang kanyang pag-aaral sa kabila ng edad. Araw-araw niyang tinatawid ang kahirapan at layo para lamang makapasok sa klase, dahilan kung bakit marami ang humanga sa kanyang dedikasyon sa edukasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate