Entertainment gone wrong: Lacion Vines kinasuhan matapos lumikha ng public disturbance

Entertainment gone wrong: Lacion Vines kinasuhan matapos lumikha ng public disturbance

  • Kinasuhan ang limang content creators mula sa grupong LACION Vines matapos nilang gayahin sa isang scripted prank ang isang viral na insidente kung saan isang lalaking may problema sa pag-iisip ang nagdulot ng takot sa mga residente ng Consolacion, Cebu
  • Sa nasabing prank, nagbihis at umarte ang mga vlogger bilang isang “mentally unstable” na tao na gumagala sa kalsada, dahilan upang magdulot muli ng panic sa komunidad na inakalang may bago na namang banta sa kanilang seguridad
  • Bagamat ipinahayag ng mga content creators na ang video ay para lamang sa entertainment at agad silang humingi ng paumanhin, ipinaalala ng mga otoridad na may pananagutan pa rin ang sinumang lumilikha ng content na nakakaapekto sa kaligtasan o isipan ng publiko
  • Bilang tugon sa insidente, muling nanawagan ang mga awtoridad sa lahat ng social media influencers at vloggers na pairalin ang responsibilidad sa paggawa ng content, lalo na kung ito ay may temang sensitibo gaya ng mental health at pampublikong kapayapaan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Humarap ngayon sa legal na problema ang limang vloggers mula sa grupong Lacion Vines matapos nilang i-stage ang isang prank kung saan sila ay nagkunwaring mentally unstable sa isang pampublikong lugar sa Consolacion, Cebu.

Entertainment gone wrong: Lacion Vines kinasuhan matapos lumikha ng public disturbance
Entertainment gone wrong: Lacion Vines kinasuhan matapos lumikha ng public disturbance (📷Lacion Vines/Facebook)
Source: Facebook

Ginaya nila ang kilos at itsura ng lalaking sangkot sa isang naunang insidente na ikinabahala ng komunidad, kung saan ang lalaki ay kumuha ng pagkain at nagpakita ng marahas na asal sa kalsada. Bagama’t scripted at para lamang umano sa entertainment, kinumpirma ng pulisya na hindi ito ipinaalam sa publiko, kaya’t nagdulot ito ng takot at kalituhan sa mga residente.

Kahit matapos humingi ng paumanhin ang mga vlogger, sinampa pa rin sa kanila ang kasong “causing alarm and public disturbance.” Ayon sa mga otoridad, hindi sapat ang paghingi ng tawad upang maibsan ang epekto ng kanilang ginawa, lalo’t ginaya pa nila ang isang sensitibong mental health case. Dagdag pa ng pulisya, walang prank na dapat isagawa kung ito’y makakaapekto sa kaligtasan at kaisipan ng publiko.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang orihinal na lalaki sa viral incident ay kasalukuyang nasa isang mental health facility, kung saan siya ay tumatanggap ng tamang gamutan. Ito ang dahilan kung bakit lalong ikinagalit ng iba ang ginawa ng mga vlogger—dahil tila ginawang biro ang seryosong isyu ng mental health.

Ang grupo ng Lacion Vines, na kilala sa paggawa ng mga prank at skits online, ay may libo-libong bilang ng followers sa social media. Ngunit ngayong nasangkot sila sa isang seryosong insidente, maraming netizens ang humihiling ng mas mahigpit na panuntunan sa mga content creators. Paalala ng mga otoridad: ang kalayaan sa pagpapahayag ay hindi dapat gamitin para manakot, mang-insulto, o gumawa ng delikadong gimik para lang sa views.

Habang patuloy ang imbestigasyon at legal na proseso, isang malinaw na mensahe ang isinasaad ng insidenteng ito: Hindi lahat ng bagay ay puwedeng gawing “content.”

Sa kabila ng insidente, hindi ito ang unang beses na nainvolve ang content creators sa mga kontrobersyal na stunts. Sa isa pang artikulo ng Kami.com.ph, isang content creator ang humingi rin ng paumanhin matapos tumalon sa loob ng isang freezer sa grocery store bilang bahagi ng prank. Sa kabila ng intensyon niyang magpatawa, binatikos siya dahil sa kawalan ng respeto at panganib ng kanyang ginawa.

Isa pang mas nakakalungkot na balita ay ang pagpanaw ng isang 29-anyos na TikTok star matapos umano'y makaranas ng matinding cyberbullying. Ang kanyang kwento ay nagsilbing paalala kung gaano kaseryoso ang epekto ng online content at komentaryo sa mental health ng isang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate