Viral 'racing' video ng Florida buses, nauwi sa suspensyon ng 15 bus

Viral 'racing' video ng Florida buses, nauwi sa suspensyon ng 15 bus

- Isang viral video ang nagpakitang tila nag-uunahang mga bus ng GV Florida Transport sa Diadi-Cordon Road sa Nueva Vizcaya

- Ayon sa uploader na si Carlo Carbonel, anim na bus ang mabilis na tumatakbo sa kalsada habang hinahabol ang dalawa sa unahan

- Naglabas ng pahayag ang kompanya at humingi ng paumanhin, sinabing 'fast forward' ang video at hindi ito sumasalamin sa kanilang mga panuntunan

- Sa kabila nito, 15 bus ang sinuspinde ng DOTr at magkakaroon ng hearing ang kumpanya sa LTFRB sa Hunyo 15

Sa gitna ng kontrobersiyang inihatid ng isang viral video kung saan makikitang tila nag-uunahang mga bus ng GV Florida Transport sa Diadi-Cordon Road sa Nueva Vizcaya, agad na kumilos ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Viral 'racing' video ng Florida buses, nauwi sa suspensyon ng 15 bus
Viral 'racing' video ng Florida buses, nauwi sa suspensyon ng 15 bus (📷Screenshot from Carlo Carbonel/Facebook)
Source: Facebook

Sa video na in-upload ng netizen na si Carlo Carbonel, sinabi niyang, “The Diadi - Cordon road has been turned into a race track by the kings of the road.” Sa karagdagang komento, binanggit pa niya, “That's 6 Florida buses just behind the two chasing them.”

Matapos sumiklab ang diskusyon online—na umabot sa hatiang opinyon kung karapat-dapat ba ang uploader o ito’y pinalabis dahil sa time-lapse effect—naglabas ng opisyal na pahayag ang GV Florida Transport. “We sincerely apologize for the circulating issue regarding the fast forward footage posted by Carlo Carbonel,” pahayag ng kumpanya sa kanilang opisyal na Facebook page. Idinagdag nila na, “The content does not align with our company's values and standards. We are currently addressing the matter internally and we assure the public that the safety and well-being of our passengers is our top priority.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi naman nagpalampas ang pamahalaan. Sa mismong anunsyo ni DOTr Secretary Vince Dizon noong Hunyo 10, sinabing sinuspinde ang 15 bus ng GV Florida Transport bilang aksyon sa insidente. May nakatakdang pagdinig ang kumpanya sa LTFRB sa Hunyo 15, at isasailalim sa mandatory drug testing ang mga driver na sangkot sa insidente.

Ang GV Florida Transport naman ay isa sa mga kilalang bus companies sa Northern Luzon. Bagama’t matagal na sa serbisyo, ilang beses na ring nasangkot sa mga aksidente ang kumpanya.

Sa isang bansang tulad ng Pilipinas kung saan ang trapiko ay bahagi na ng araw-araw na buhay, ang pagsunod sa batas-trapiko ay hindi lamang isang tungkulin kundi isang responsibilidad para sa ikabubuti ng nakararami. Sa bawat pag-apak sa preno, sa bawat paghinto sa traffic light, at sa bawat tamang pag-overtake, nakasalalay ang buhay ng motorista, pasahero, at maging ng mga pedestrian.

Noong unang bahagi ng Hunyo 2025, isang malagim na karambola ang kinasangkutan ng tatlong bus at isang pribadong sasakyan sa Nueva Ecija. Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol ang isang bus ng GV Florida Transport na naging sanhi ng salpukan. Sa kabutihang-palad, walang nasawi pero ilang pasahero ang nagtamo ng minor injuries.

Isang nakalulungkot na insidente naman ang nangyari kamakailan kung saan bumangga ang isang bus na may sakay na mga estudyante sa isang minivan. Labinlima ang nasawi, kabilang na ang labing-apat na estudyante. Bagama’t hindi pinangalanan sa ulat ang bus company, ang ganitong pangyayari ay muling nagpapakita ng pangangailangan sa mas mahigpit na safety measures sa land transportation.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: