Euleen Castro, umamin ng pagkukulang sa vlog matapos ang food review backlash

Euleen Castro, umamin ng pagkukulang sa vlog matapos ang food review backlash

- Nagsalita na si Euleen Castro tungkol sa kontrobersyal niyang review sa Coffeebreak sa Iloilo

- Ayon kay Euleen, expression lamang at hindi pagmumura ang naging pahayag niya sa video

- Humingi siya ng paumanhin sa staff at owner ng café, at inamin ang pagkukulang sa kanyang delivery

- Nasaktan din umano si Euleen sa sunod-sunod na hate comments at nanindigang wala siyang masamang intensyon

Matapos ang ilang araw na pananahimik, nagsalita na sa wakas si Euleen Castro, kilala online bilang Pambansang Yobab, kaugnay ng kontrobersyal niyang food review sa isang café sa Iloilo na naging viral at umani ng batikos mula sa netizens at ilang personalidad.

Euleen Castro, umamin ng pagkukulang sa vlog matapos ang food review backlash
Euleen Castro, umamin ng pagkukulang sa vlog matapos ang food review backlash (Euleen Castro/Facebook)
Source: TikTok

Sa kanyang inilabas na vlog, nilinaw ni Euleen ang intensyon ng kanyang video at humingi ng paumanhin sa mga taong naapektuhan ng kanyang mga pahayag.

Matatandaang naging laman ng social media si Euleen matapos niyang sabihin sa kanyang TikTok video:

"Walang masarap, even the drinks, even the lasagna. Lahat, tab-ang."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

At sumunod pa niyang pahayag, "Ang dami niyo diyan, walang masarap sa inyo, ni isa, p*t*."

Ayon kay Euleen sa kanyang vlog, hindi niya minura ang pagkain o ang café kundi isa lamang daw itong expression.

"Main issue niyo is nagmura ako doon sa pagkain. Hindi ko po mimura 'yung pagkain, 'yung staff, 'yung cafe. Wala akong minura. Expression ko lang po talaga 'yun," paglilinaw niya.

Dagdag pa niya, hindi niya inasahan na maraming tao ang hindi nakakaunawa ng kanyang uri ng humor. Aniya, "Akala ko po kasi lahat nage-gets na 'yung humor ko… doon ako medyo nag-lean sa gets naman ako ng supporters ko."

Gayunpaman, buong kababaang loob niyang inamin na may pagkukulang siya sa kanyang video.

"Hindi ako naging constructive doon sa feeling kong kulang sa panlasa ko," sabi niya. Bukod dito, binanggit rin niyang hindi siya nagbigay ng disclaimer, bagay na dapat sana’y nakatulong upang hindi magkamali ng interpretasyon ang manonood.

Humingi rin siya ng taos-pusong paumanhin sa mga chef, barista, servers, at owner ng café na posibleng nasaktan sa kanyang mga sinabi.

"Pasensiya na po kayo kung 'yun po 'yung naramdaman niyo na ipinahatid noong video ko," ani Euleen. Nilinaw rin niyang hindi niya layunin na may magsarang restaurant o mawalan ng trabaho ang mga tao dahil lang sa kanyang feedback.

Dagdag pa ni Euleen, bilang isang taong may background sa culinary, naiintindihan daw niya ang hirap sa kitchen at kaya humihingi siya ng tawad sa pagkukulang sa paraan ng kanyang pagdeliver ng review.

Samantala, emosyonal ding ibinahagi ni Euleen ang kanyang naramdaman matapos ang sunod-sunod na negative comments. Hindi raw siya nasaktan sa mga body shaming na natanggap, ngunit tila mas mabigat ang naging epekto ng hate comments sa kanya.

"Mas nasaktan ako para sa mga kapwa ko plus size… Kasi feeling ko hindi naman lahat kayang i-accept yun," dagdag niya.

Si Euleen Castro ay isang TikTok content creator na sumikat bilang "Pambansang Yobab" dahil sa kanyang candid, entertaining, at madalas ay unfiltered na reviews ng pagkain, mga lugar, at iba pang lifestyle content. Isa siyang culinary graduate, dahilan kung bakit malapit sa puso niya ang food content creation. Ngunit sa likod ng kasikatan, nahaharap din siya ngayon sa masusing pagtingin ng publiko dahil sa impluwensiyang dala ng kanyang mga salita online.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang opisina ng Mayor ng Iloilo, kung saan ipinagtanggol nila ang lokal na café na Coffeebreak. Nanindigan ang LGU na kailangang panatilihin ang respeto sa anumang pahayag, lalo na sa mga negosyong bahagi ng komunidad.

Isa si Madam Kilay sa mga influencer na nagsabing hindi tama ang naging approach ni Euleen sa pagre-review ng pagkain. Giit ni Madam Kilay, may paraan para magbigay ng opinyon nang hindi nakakasakit, at hindi excuse ang humor para bastusin ang ibang tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate