Meiko, magpapahinga muna sa socmed matapos ma-ospital: "Papalakas lang ako"
- Nagbigay ng update ang content creator na si Meiko Montefalco matapos nitong maospital
- Labis umanong nag-alala ang kanyang mga followers gayung nawalan umano ito ng malay habang naka-live
- Sa kanyang isang account naituloy ni Meiko na maibulalas ang kanyang saloobin sa kontrobersiyang kinsasangkutan kamakailan
- Ito ay matapos na mawala ang kanyang main account na isa sa mga dumagdag umano sa dalahin niya ngayon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naospital si singer at content creator na si Meiko Montefalco matapos mawalan ng malay habang umiiyak sa isang livestream sa kanyang pangalawang Facebook page noong Mayo 26 ng gabi.

Source: Facebook
Ayon sa ulat, nawalan ng malay si Meiko dahil hindi siya kumain o natulog ng halos dalawang araw habang abala sa paghingi ng tulong sa mga tagasuporta kaugnay sa kinahaharap nitong pagsubok pagdating sa kanyang asawa.
Mayo 27, naglabas ng update si Isabelle King, kaibigan ni Meiko, sa kanyang social media account upang ipabatid ang lagay ng content creator.
Ayon kay Isabelle, “To everyone asking updates about ate Meiko Montefalco: "She is safely home and resting under the care of her mom. She does not deserve to hurt about the past. Stop sending her stuff, she’s had enough. Her hospitalization is a sign to stop and to focus on herself and her kids. She is surrounded by blessings and people who love her. We are kindly asking for everyone to respect her time to heal, thank you.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad din namang nakapaglabas ng sariling pahayag si Meiko sa kanyang isa pang Facebook account kung saan inanunsyo niya ang kanyang pansamantalang pamamahinga sa social media.
Aniya, “Taking a time off of social media for a while. I have almost all of the evidences I need. All I have to do now is to hunt them. Maraming maraming salamat sa mga panalangin at suporta. Sa mga taong nagpapadala ng pagkain at regalo, bumibisita sa akin, nangangamusta, nag-aalala, maraming maraming salamat. Babawi ako sa pamamagitan ng pagbangon na mas malakas."
"Maraming salamat. See you when I see you. Papalakas lang ako."

Source: Facebook
Ikinasal si Meiko kay Patrick Bernardino noong Enero 2024. May dalawa silang anak na lalaki. Bagama’t naghiwalay na noon ang mag-asawa, nagkasundo silang magsamang muli ngayong taon.Nagsimula si Meiko sa vlogging noong 2015, at sumabak sa TikTok content creation noong 2021. Nakilala siya sa mga matatapang niyang opinyon sa mga bagay-bagay na labis na hinahangaan sa kanya ng kanyang mga tagasubaybay.
Ilang araw lamang ang nakararaan nang labis na nag-aalala ang mga manonood niya sa kanyang live nang matagal siyang hindi nakabalik at pinaniniwalaang nawalan ng malay. Isa sa mga malalapit niyang kaibigan at content creator na tinatawag na si Mentor Daniel ang nagbigay ng update na naisugod na umano sa ospital si Meiko na ilang araw na walang kain at wala rin umanong maayos na tulog.
Sa ngayon, nananawagan siya ng respeto, malawak na pag-unawa at sapat na panahon upang makapagpahinga at muling makabuo ng lakas para sa kanyang mga anak habang patuloy niyang hinaharap ang kontrobersiya at matinding pagsubok sa buhay mag-asawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh