“Even the lasagna, lahat tab-ang!” – Coffeebreak, sinagot ang viral review ni Euleen Castro

“Even the lasagna, lahat tab-ang!” – Coffeebreak, sinagot ang viral review ni Euleen Castro

- Nag-viral ang TikTok video ng content creator na si Euleen Castro kung saan tinawag niyang “walang masarap” ang lahat ng pagkain at inumin sa café chain na Coffeebreak

- Ayon kay Coffeebreak, bagamat bukas sila sa feedback, mas mainam kung ito ay ipapahayag nang may respeto lalo na sa mga taong nagtatrabaho sa likod ng serbisyo

- Sinabi ng café na ito ang kauna-unahang beses na nakatanggap sila ng feedback na itinuturing nilang “insulting” sa kanilang mahigit dalawang dekada ng operasyon

- Si Euleen ay may higit 3.4M followers sa TikTok at 520K subscribers sa YouTube, at kasalukuyang trending sa social media dahil sa kanyang brutal na review

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas ng opisyal na pahayag ang café chain na Coffeebreak nitong Martes, Mayo 28, bilang tugon sa kontrobersyal na food review na ibinahagi ng sikat na content creator na si Euleen Castro. Sa viral TikTok video na may mahigit 123,000 views as of posting, hindi nagpatumpik-tumpik si Euleen sa kanyang masasakit na komento.

“Even the lasagna, lahat tab-ang!” – Coffeebreak, sinagot ang viral review ni Euleen Castro
“Even the lasagna, lahat tab-ang!” – Coffeebreak, sinagot ang viral review ni Euleen Castro (📷euleenc/TikTok)
Source: TikTok

“Nag-try kami dito sa Coffeebreak. Andami. Out of all you [food] walang masarap. Even the drinks. Even the lasagna. Lahat tab-ang [bland]... Andami niyo diyan, walang masarap sainyo? P*ta,” sabi ni Euleen sa kanyang video.

Ang naturang komento ay agad na umani ng halo-halong reaksyon mula sa netizens. Habang may mga sumang-ayon sa kanyang opinyon, marami rin ang nagsabing lumampas ito sa linya ng pagiging “honest” review. Dahil dito, nagsalita na ang management ng Coffeebreak upang sagutin ang isyu.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“While we understand that not everyone will share the same taste, we believe that constructive criticism can always be communicated respectfully,” ayon sa pahayag ng café. Binigyang-diin nila na mahigit dalawang dekada na silang nag-ooperate at sanay na sila sa pagtanggap ng feedback, ngunit ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap sila ng isang review na ikinokonsidera nilang “insulting.”

“Language that crosses the line can be disheartening, especially to team members who work hard daily to provide service,” dagdag pa ng café. Sa kabila nito, nanindigan pa rin ang management na bukas sila sa mga suhestyon at patuloy silang nagsusumikap na pagbutihin ang kanilang serbisyo.

Si Euleen Castro ay isang content creator na kilala sa kanyang nakakatawa ngunit prangkang food reviews. Mayroon siyang 3.4 million followers sa TikTok at 520,000 subscribers sa YouTube. Natapos niya ang kanyang Culinary Arts degree sa Enderun Colleges noong 2019, kaya't marami sa kanyang tagasuporta ang naniniwalang may bigat ang kanyang opinyon pagdating sa pagkain.

Sa kabila ng katatawanan ng kanyang mga video, kilala rin si Euleen sa kanyang no-holds-barred commentary na minsan ay nagdudulot ng kontrobersiya — gaya ng insidenteng ito sa Coffeebreak.

Sa isang viral video, nag-collab sina Luis Manzano at Euleen Castro para sa isang nakakatuwang content na ikinatuwa ng netizens. Naging instant hit ang duo dahil sa natural nilang chemistry at kabal-balang banter. Marami ang umaasang mauulit pa ang kanilang partnership sa mga susunod na videos.

Nag-viral din kamakailan si Euleen matapos mapanood sa isang event kung saan biglang nasira ang sofa na kanyang inuupuan. Sa halip na mairita, hiniritan pa niya ito ng biro, dahilan upang muling umani ng tawanan at papuri mula sa kanyang mga followers. Pinatunayan nito ang kanyang kakayahan na gawing aliw kahit ang mga aberya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate