Away mag-asawa sinundan ng trahedya; Ina at tatlong anak, patay sa sunog sa Bulacan

Away mag-asawa sinundan ng trahedya; Ina at tatlong anak, patay sa sunog sa Bulacan

-Isang 28-anyos na ina at ang kanyang tatlong anak na lalaki edad 1, 3, at 6 ang nasawi sa sunog sa Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan nitong Mayo 15

-Ilang oras bago ang sunog, dumulog umano sa barangay ang ina upang ipa-blotter ang kanilang alitan ng asawa, na wala sa bahay nang mangyari ang insidente

-Kwento ng mga kapitbahay, nakita pa raw nilang lumabas ang ina ng bahay, bago tuluyang kumalat ang apoy at nagmadaling sumaklolo ang mga residente

-Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, natagpuan ang posporo at paint thinner sa loob ng bahay, at sinabing tila ang katawan ng tao ang unang nasunog sa halip na mismong ari-arian

Isang trahedya ang gumising sa mga residente ng Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan nitong umaga ng Huwebes, Mayo 15, matapos masawi ang isang ina at ang kanyang tatlong anak na lalaki sa isang malagim na sunog. Sa gitna ng takot at pagkabigla, tila mas lalong naging masalimuot ang pangyayari matapos lumabas ang ulat na may iniwang personal na isyu ang ina bago pa man ang trahedya.

Away mag-asawa sinundan ng trahedya; Ina at tatlong anak, patay sa sunog sa Bulacan
Away mag-asawa sinundan ng trahedya; Ina at tatlong anak, patay sa sunog sa Bulacan (📷Pexels)
Source: Facebook

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay, nakita pa raw ang ina na lumalabas ng bahay bago kumalat ang usok at apoy. “May dalawang tao na po na nagsisigaw dito na may sunog po, may sunog,” kwento ng isa sa kanila. Agad namang nagtulong-tulong ang mga residente upang gibain ang gate at sirain ang lock ng pinto para masagip ang mga bata. Subalit naging hadlang ang makapal na usok at dilim sa loob ng bahay.

Unang natagpuan ng mga rumesponde ang sanggol na isang taong gulang na wala nang buhay sa kanyang higaan. Nasundan ito ng pagkakadiskubre sa dalawa pang batang lalaki sa loob ng banyo. Isa sa mga rumesponde ang nagsabing buhay pa umano ang isa nang kanilang buhatin, subalit kalaunan ay binawian din ng buhay.

Ang ina at dalawang bata ay nadala pa sa ospital pero, ayon sa mga ulat, hindi na rin sila naisalba.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na may natagpuang posporo at dalawang bote ng paint thinner sa loob ng bahay. Ayon kay SFO3 Alfredo Hernandez, tila hindi property damage ang pangunahing sanhi, kundi mismong katawan ng tao umano ang unang sinilaban. “Parang secondary lang po ‘yung burning ng property. ‘Yung tao lang po talaga ‘yung unang sinunog,” aniya.

Dagdag pa sa drama ng trahedya, kinumpirma ng barangay chairman na si Kapitan Potenciano Lorenzo na dumulog umano sa kanilang tanggapan ang ina gabi bago ang insidente upang ipa-blotter ang problemang mag-asawa. “May patawag at paghaharapin po sana namin pero hindi na nangyari,” aniya.

Sinikap din ng media na kunin ang panig ng ama ng pamilya, subalit nakiusap ito na huwag muna magsalita.

Sa panahon ng social media, hindi na bago ang mabilis na pagkalat ng malalaking balita gaya nito. Isang simpleng ulat mula sa barangay, video mula sa saksi, o litrato mula sa responders ay agad na umaabot sa libo-libong tao sa loob lamang ng ilang oras. Ang sunog na ito, na naganap sa isang ordinaryong umaga, ay agad na naging usap-usapan at pinagpiyestahan ng opinyon sa mga online platforms. Sa kabila ng lungkot ng balita, hindi maiwasan ng publiko na magtanong: may koneksyon nga ba ang personal na problema sa sunog?

Isang matandang lalaki ang nasawi matapos masunog ang kanyang bahay sa Antipolo City. Ayon sa mga ulat, nakainom umano ang biktima at hindi na nagising nang sumiklab ang apoy. Isa itong paalala kung gaano kabilis pwedeng magbago ang takbo ng buhay sa isang iglap lalo na sa mga tahanang gawa sa light materials.

Matapos ang dalawang araw na paghahanap, isang sunog na bangkay ng matandang lalaki ang nadiskubre sa tambak ng basura sa Las Piñas. Hindi pa tukoy kung ano ang pinagmulan ng sunog, ngunit ikinagulat ng mga residente ang pagkakakita sa katawan. Patuloy ang imbestigasyon kung ito ba ay aksidente o may naganap na foul play.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: