Pinoy sa Canada, instant bilyonaryo nang magwagi sa lotto
- Naging 'instant bilyonaryo' ang isang Pinoy sa Canada nang magwagi ito sa lotto
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
- Tumataginting na halaga ng canadian dollars ang naging premyo nito
- Ayon sa BC Lottery Corp., ito ang pinakamalaking jackpot na napanalunan sa probinsya, at pati na rin ang pinakamalaking indibidwal na panalo sa buong Canada
- Aniya, nagalit pa umano ang kanyang misis na inakalang nagbibiro lamang sa kanyang pagkapanalo
Instant bilyonaryo si Justin Simporios, isang Filipino Canadian mula sa Surrey, BC nang magwagi ito sa lotto.

Source: Facebook
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Tumataginting na 80,000 candian dollars ang kanyang napanalunan na may katumbas ng nasa 4.64 billion pesos.Tumataginting na 80,000 candian dollars ang kanyang napanalunan na may katumbas ng nasa 4.64 billion pesos.
Maluha-luhang humarap sa media si Justin at naikwentong CAD12 o nasa Php480 na lang ang laman ng kanyang wallet nang maisipan nitong ibili ng Quick pick lotto max ticket.
Ang 35-anyos na health and safety officer na ito mula British Columbia ang kauna-unahang nanalo ng ganito kalaking halaga sa kanilang probinsya maging sa buong Canada.
Sa ulat ng RCI Canda, nasabi ni Justin na hindi raw umano makapaniwala ang kanyang misis sa kanyang pagapanalo.
She was mad," sabi ni Justin patungkol sa kanyang misis. "She said, 'Can you stop that joke right now because your daughter is sleeping.'"
Upang hindi magambala sa pagkakatulog ang kanyang anak, hawak ang flashlight, sinusundan niya ang winning numbers hanggang sa mapagtanto niyang siya ang panalo.
"I shouted. I cried. I turned out the lights. My wife was mad again," masayang naibahagi ni Justin.
Aniya, sobrang thankful siya sa biyayang ito na makapagbibigay ng pagkakataong makatulong sa kapwa sa komunidad at makapagbayad utang sa bayarin ng kanyang kapatid sa med school. Makapagreretiro na rin umano siya ng maaga kung saan mapaglalaanan naman niya ng sapat ng oras ang kanyang pamilya.
"It's awesome, man. Just thank you. I'm just feeling blessed right now."
Dagdag pa ni Justin, agad nilang uupuan ng kanyang financial adviser ang gagawin sa napanalunang pera upang masigurong magamit niya ito sa tama.
Narito ang kabuuan ng mensahe ni Justin na mapapanood sa Global News:
Tila dumarami na ang mga kababayan nating pinapalad na magwagi sa lottery sa ibang bansa na tunay na nakapagbabago ng kanilang pamumuhay. Isa na rito si Freilyn Angob, 32-anyos na sampung taon nang naninirahan sa UAE. Siya ang ikalawang Grand Prize Winner ng FAST5 draw na nagsimula lamang umano noong Mayo dalawang taon na ang nakalipas. Si Freilyn ay nagwagi ng 25,000 Dirhams na ang katumbas ay 386,458 pesos kada buwan loob 25 taon. Ayon kay Freilyn, itutuloy na nila ang pina-planong pagpapakasal nila ng kanyang nobyo. Malaking bagay na may kasiguraduhan na ang papasok ng pera sa kanila sa susunod na mahigit dalawa o halos tatlong dekada.
Samantala, maging dito rin sa Pilipinas ay mapalad ang isang 60- anyos na residente ng Quezon City na nagwagi ng P22.8 Million Lotto 6/42 Jackpot noong Agosto 5 noong 2023. Kwento ng nagwagi, napanaginipan niya umano ang winning combination na kanyang inalagaan hanggang sa siya nga ay magwagi. Bukod pa rito, madalas na rin siyang manalo ng minor prizes kung saan nakukuha niya ang lima sa anim na numerong kanyang inaalagaan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh