JV Ejercito, nilinaw na hindi kasama si Yanna sa viral road rage ride
- Itinanggi ni Senador JV Ejercito ang pagkakadawit sa viral road rage video na kinasasangkutan ni Yanna
- Nilinaw niyang hindi sila magkasama sa ride at nagkita lamang sa Coto Mines dahil sa Moto Camping event
- Nagbigay siya ng payo ukol sa pagpapasensya sa kalsada upang maiwasan ang away
- Binigyang-diin niyang hindi siya gumagamit ng wangwang o blinker sa kanyang motor
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa gitna ng kontrobersiyang bumabalot sa isang viral road rage video na kinasasangkutan ng rider na si Yanna, agad na nilinaw ni Senador JV Ejercito ang kanyang panig. Sa isang post sa kanyang Facebook account, sinabi ni Ejercito.

Source: Instagram
"Pilit akong dinadamay sa isang road rage video na kumakalat involving Yanna. Linawin ko lang po, hindi kami magkasama sa ride mismo ni Yanna."
Ayon sa senador, nagkita lamang sila ni Yanna sa Coto Mines dahil sa isang Moto Camping event. Dagdag pa niya:
"Nagtagpo lamang sa Coto Mines dahil sa event na Moto Camping. Hindi nga kami nakapag-usap masyado maliban sa picture taking na nung kina-umagahan."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Binigyang-diin din ni Ejercito ang kahalagahan ng pagpapasensya sa kalsada upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente. Aniya:
"Ang advice ko lang, kung pwedeng 'Let go' na ang init ng ulo, o palampasin na dapat para maiwasan ang away sa kalsada. Wala itong maidudulot na mabuti."
Bilang isang matagal nang rider, ibinahagi rin niya ang kanyang mga prinsipyo sa pagmamaneho:
"Bilang matagal nang rider, natuto na akong mag-pasensya sa kalye. Kilala din ako ng mga rider na hindi abusado. Wala akong motor na may wangwang o blinker. Pantay-pantay dapat lansangan."
Sa huli, nagbigay siya ng payo kay Yanna:
"Advice ko kay Yanna, hindi rin makakabawas sa'yong pagkatao ang paghingi ng pasensya at pakikipag-usap, nagka-initan man. Mas masarap pa sa pakiramdam, believe me."
Si Joseph Victor "JV" Ejercito ay isang kilalang politiko sa Pilipinas at anak ng dating Pangulo na si Joseph "Erap" Estrada. Kilala siya sa kanyang adbokasiya para sa kaligtasan sa kalsada at karapatan ng mga motorista at siklista. Bilang isang aktibong rider, madalas siyang makilahok sa mga motorcycle events at nagbibigay ng mga pahayag ukol sa mga isyung may kinalaman sa trapiko at kaligtasan sa daan.
JV Ejercito, ipinost na "kape't gatas" pic nila ni Jake, viral: "Oo, magkapatid kami" Ibinahagi ni Senador JV Ejercito sa Instagram ang isang nakakatuwang larawan nila ng kanyang kapatid na si Jake Ejercito, na may caption na "Kape't gatas?" Ipinaliwanag niya na sila ay magkapatid na ipinanganak sa magkaibang oras ng araw—siya sa gabi at si Jake sa umaga. Ang post ay agad na naging viral at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.
Sen. JV Ejercito, umalma sa viral video ng party na may drag queen at inawit ang "Ama Namin" Ipinahayag ni Senador JV Ejercito ang kanyang pagkadismaya sa isang viral na video ng party kung saan may drag queen na umaawit ng "Ama Namin," na tinawag niyang blasphemy at isang paglapastangan sa kanyang pananampalataya. Ayon sa kanya, ito ay isang paglabag sa kanyang pananampalataya at lumampas na sa tama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh