Dennis Padilla, idinetalye ang umano'y sama ng loob sa nangyari sa kasal ni Claudia
- Nakapanayam ni Ogie Diaz si Dennis Padilla matapos ang kasal ng anak nitong si Claudia
- Naidetalye ni Dennis ang cryptic post tungkol umano sa 'father of the bride' na naging visitor umano
- Siya na mismo ang nagsalaysay ng pinaghugutan niya ng kanyang sama ng loob
- Kamakailan, naglabasan ang mga larawan at video na kuuha umano sa kasal ni Claudia at basti Lorenzo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Emosyonal na naglahad si Dennis Padilla ng mga naging kaganapan umano sa kasal ng anak niyang si Claudia kay Basti Lorenzo.

Source: TikTok
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, mas naidetalye ni Dennis kung ano ba talaga ang pinaghugutan niya ng post na 'father of the bride' na naging visitor lamang.
"Nakatayo lang ako nag-oobserve. Pumapatak luha ko grabe. One of the most painful part ng buhay ko... wala to sa kalahati ng naranasan ko sa mga nakaraan..."
"Sa totoo lang Ogie, mas masaya pa kung di ako invited tapos dumating din ako. Mas gusto ko pa. Kasi hindi na nila pinansin, problema mo yun... Wala kang inexpect"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ito umano ang naging hudyat ni Dennis para tuluyan nang wakasan ang ugnayan sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.
"Ayaw ko na, surrender na, finish. Tatay nalang nila ako. Pero bringing back the relationship, wala na siguro"
"Ngayon ko lang na-realize. Not one of my children even posted my picture in theis Instagram... Ni wala akong picture sa kahit anong social media nila. Ni walang mention ng pangalan ko, ng nanay ko, ng tatay ko na artista din sa kanilang social media post. As in, zero. Why?"
"Sabi nila ako yung toxic. Talaga ba?"
"Wala na, I'm sorry wala na. Napagod na."
Narito ang kabuuan ng kanyang mga naging pahayag sa Ogie Diaz Inspires channel:
Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto. Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Read also
Marjorie Barretto: "The wedding is about the bride and the groom, it's not about you Dennis!"
Gayunpaman, noong 2024 kung saan may bagong pelikula si Julia kasama si Aga Muhlach, nagsabi ng good luck si Dennis para sa anak. Katunayan, sa tuwing makakausap din siya ng press nang mga panahong iyon, isa siya sa nagpo-promote ng pelikula ng anak, bilang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta niya sa career nito bilang isang mahusay na aktres ng kanyang henerasyon.
March 18 ng kasalukuyang taon nang maganap ang nakita ng publiko sa larawan nilang mag-aama. Marami na nga ang natuwa sa kanila dahil nagkasama-sama ulit ang mga ito na matagal nang inaasam ni Dennis. Iyon pala umano ang pagkakataong sinabi na ni Claudia ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang nobyo pa lamang noon na si Basti Lorenzo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh