Grade 8 student na biktima ng bullying sa QC, dumulog sa RTIA

Grade 8 student na biktima ng bullying sa QC, dumulog sa RTIA

- Nagsumbong ang ina ng Grade 8 student sa Raffy Tulfo in Action matapos mabiktima ng pambubully ang kanyang anak sa loob ng classroom

- Ipinakita sa video na sinasaktan si Nene ng kanyang mga kaklase at hindi ito ang unang beses na nangyari

- Ayon sa ina ni Nene ay hindi siya pinakinggan ng mga gúro at tila sinisi pa ang kanyang anak

- Kumilos agad si Sen. Raffy Tulfo at DepEd Quezon City para imbestigahan ang insidente at magpatupad ng mga kaukulang hakbang kontra bullying

Humingi ng tulong sa Raffy Tulfo in Action ang ina ng isang Grade 8 student mula sa Bagong Silangan High School sa Quezon City matapos mabulgar sa isang video ang sinapit ng kanyang anak na tinawag sa alyas na “Nene.” Sa naturang video, makikitang binubugbog si Nene ng kanyang mga kaklase sa mismong loob ng kanilang classroom.

Grade 8 student na biktima ng bullying sa QC, dumulog sa RTIA
Grade 8 student na biktima ng bullying sa QC, dumulog sa RTIA (📷DepEd Tayo - NCR/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa salaysay ni Nanay, hindi ito ang unang pagkakataon na sinaktan si Nene. Matagal na raw itong binu-bully ng ilang kaklase na naniniwalang gumagawa siya ng istorya laban sa kanila. Dahil sa takot, hindi agad nasabi ni Nene sa kanyang ina o sa mga gúro ang mga pangyayari.

Read also

Vico Sotto, umani ng papuri sa paninindigan laban sa “Money Politics”

Dismayado si Nanay nang hindi umano siya pinakinggan ng mga gúro ng paaralan sa kanyang paglapit. Sa halip na tulungan, tila siya pa raw ang sinisi ng isa sa mga gúro. Aniya, nang komprontahin niya ang nasabing gúro, sinabihan siyang wala na silang pakialam at bahala na raw siyang magsumbong kung saan niya gusto.

Dahil dito, agad na umaksyon si Sen. Raffy Tulfo at tinawagan si Carleen Sedilla, Schools Division Superintendent ng Department of Education-Quezon City. Tiniyak ni Sedilla na iniimbestigahan na nila ang mga gúro at estudyanteng sangkot sa insidente. Dagdag pa niya, isasailalim sa psychological intervention si Nene at ang iba pang estudyanteng sangkot, habang may community service namang nakaabang para sa mga nambully.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bilang tugon, inirekomenda ni Sen. Tulfo na magkaroon ng regular training at seminars ang mga gúro upang matutunan ang pagtukoy sa mga “red flags” ng bullying. Iminungkahi rin niya ang pagkakaroon ng mandatory counselling para sa mga magulang ng mga batang sangkot sa pananakit.

Read also

Vico Sotto, kibit-balikat sa akusasyon ni Ian Sia sa kanya

Sinang-ayunan ni Sedilla ang lahat ng mungkahi ni Tulfo at nangakong agad nilang ipapatupad ang mga ito. Nabanggit rin niya na maglalabas ng isang Memorandum ang DepEd QC para palakasin pa ang kampanya laban sa bullying sa mga paaralan.

Samantala, nangako si Sen. Tulfo na siya na ang sasagot sa mga gastusin para sa pagpapagamot ni Nene, at tutulong sa anumang pangangailangan ng pamilya. Maghahain din siya ng isang Senate inquiry upang tutukan ang paglaganap ng bullying sa mga pampublikong paaralan.

Ang bullying ay isang seryosong isyu sa Pilipinas na patuloy na nakakaapekto sa maraming mag-aaral. Ito ay maaaring magdulot ng malalim na epekto sa mental at emosyonal na kalusugan ng mga biktima, at sa ilang pagkakataon, nauuwi pa sa trahedya. Sa kabila ng pagpapatupad ng Anti-Bullying Act of 2013, marami pa ring insidente ng bullying ang naitatala sa mga paaralan at komunidad.​

Isang Grade 8 na estudyante sa Bagong Silangan High School sa Quezon City ang nakaranas ng matinding pambubully mula sa kanyang mga kaklase. Sa isang video na kumalat, makikitang sinasabunutan at sinasaktan ang biktima habang pinagtatawanan ng iba pang estudyante. Iniimbestigahan na ngayon ng paaralan at ng Department of Education ang insidente upang mabigyan ng hustisya ang biktima at mapanagot ang mga may sala.

Read also

Buboy Villar, emosyonal na itinanggi ang akusasyon ni Angillyn Gorens

Isang 14-anyos na Grade 8 na estudyante mula sa Moonwalk National High School sa Parañaque City ang nasawi matapos umanong saksakin ng kanyang kaklase sa loob mismo ng paaralan. Ayon sa ulat, nag-ugat ang insidente sa umano'y pambubully ng biktima sa suspek. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang tunay na dahilan at mabigyan ng hustisya ang pamilya ng biktima.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate