Amang PWD, nasurpresa nang paakyatin ng anak sa stage para magsabit ng medalya

Amang PWD, nasurpresa nang paakyatin ng anak sa stage para magsabit ng medalya

- Nag-viral ang video ng isang ama na PWD sa moving-up ceremonies ng kanyang anak

- Sa video, makikita ang saya ng anak lalo na ng ama na nasurpresa sa handog ng anak

- Aminadong naluluha umano siya sa saya sa pagkakataong iyon dahil ang buong pag-aakala lamang niya ay sasamahan lang niya ang anak sa entablado

- Sa panayam ng News5, sinabing may honor din ang isa pa nitong anak na magtatapos naman ng Grade 12

Umantig sa puso ng marami ang video ni Tatay Junjun sa pagdalo niya ng Moving-Up ceremonies ng anak niyang si Janella sa Calauag, Quezon.

Janella viral
Amang PWD, nasurpresa nang paakyatin ng anak sa stage para magsabit ng medalya (Ginalyn Sevilla Caguimbal)
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi ng News5 mula kay Ginalyn Sevilla Caguimbal, makikitang nakangiting hinintay ni Janella ang kanyang Tatay Junjun sa entablado na wala umanong kaalam-alam sa surpresa ng anak.Sa video na ibinahagi ng News5 mula kay Ginalyn Sevilla Caguimbal, makikitang nakangiting hinintay ni Janella ang kanyang Tatay Junjun sa entablado na wala umanong kaalam-alam sa surpresa ng anak.

Read also

Rabiya Mateo sa resulta ng paghahanap sa ama: "Hindi lang sa resultang ine-expect ko"

Akala lamang umano ng ama na sasamahan lang niya sa stage ang anak na iyon pala'y 'with honors' kaya naman sinabitan niya ito ng medalya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa panayam sa kanya ng News5, aminado si Tatay Junjun na naluluha na siya sa kagalakan sa tagumpay na natanggap ng anak. Subalit nagawa niya itong pigilin gayung marami pa

Ito ay sa kabila ng kanilang sitwasyon kung saan sa kabila ng kanyang kapansanan, naitagauyod niya nang mag-isa mga anak.

Hindi rin doon nagtatapos ang kasiyahan ni Tatay Jun gayung ang isa pa niyang anak ay magtatapos naman ng Senior High School na with honors din.

Nang matanong kung paano ang pagkokolehiyo ng kanyang mga anak, sinabi niyang kumpiyansa siyang bibigyan siya ng sapat na lakas ng Panginoon upang maitawid muli niya ang pag-aaral ng mga anak.

Narito ang kabuuan ng video:

Samantala, sa kabila ng mga masasayang tagpo sa end of school year rites ng mga paaralan, Isang video ang nag-viral din ang isang eksena sa graduation ng Col. Ruperto Abellon National School (CRANS). Matatandaang umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa netizens dahil sa mismong graduation ng mga mag-aaral, pinatatanggal ng kanilang punongguro ang toga na kanilang suot.

Read also

Kobe Paras, usap-usapan online matapos ang pahayag ni Jackie Forster

Kaugnay nito, hinangaan naman ang isa umanong teacher na sumubok na kumausap at pumigil sa umano'y eskandalong ginagawa ng punongguro sa isa sa mga maituturing na mahalagang araw sa buhay ng isang mag-aaral.

Abril 25, kinumpirma ng Malacañang na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang principal na sangkot sa viral na insidente kung saan pinatanggal umano nito ang toga ng mga estudyanteng nagsipagtapos. Matatandaang inireklamo si Principal II Venus Divinia Nietes ng Col. Ruperto Abellon National School (CRANS) matapos niyang ipag-utos di umano ang pagtanggal ng toga ng mga mag-aaral sa end-of-school-year (EOSY) ceremony ng paaralan noong Abril 15. Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na tinanggal na si Nietes bilang principal ng nasabing paaralan. Gayunpaman, nilinaw na ang nasabing hakbang ay hindi nangangahulugang kanselado na ang kanyang lisensya sa pagtuturo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica