Motorcycle Rider, namatayan ng alagang aso matapos pigilan ng pulis malapit sa vet clinic

Motorcycle Rider, namatayan ng alagang aso matapos pigilan ng pulis malapit sa vet clinic

- Isang motorcycle rider ang nawalan ng alagang aso matapos hindi umabot sa veterinary clinic dahil pinigilan siya ng mga pulis sa daan

- Sa kabila ng pagmamakaawa ng rider, hindi siya pinayagang dumaan kaya’t binawian ng buhay ang aso ilang metro lang mula sa klinika

- Labis ang hinagpis ng rider habang yakap ang kanyang aso na binawian ng buhay sa kalsada

- Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa kawalan ng konsiderasyon ng mga pulis sa sitwasyon ng rider at kanyang alaga

Isang motorcycle rider ang nagdadalamhati matapos mamatay ang kanyang asong may sakit nang hindi umabot sa veterinary clinic dahil pinigilan siya ng mga pulis sa daan.

Motorcycle Rider, namatayan ng alagang aso matapos pigilan ng pulis malapit sa vet clinic
Motorcycle Rider, namatayan ng alagang aso matapos pigilan ng pulis malapit sa vet clinic (📷Animal and Nature Advocates/Facebook)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kamakailan, ibinahagi ng Facebook page na “Animal and Nature Advocates” ang mga nakakaantig na larawan ng aso na hindi naisalba. Ayon sa post, nagmamadaling dalhin ng rider ang kanyang alagang aso sa isang veterinary clinic para mabigyan ng agarang lunas, ngunit pinigil siya ng mga pulis ilang metro lang mula sa klinika. Sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, hindi pa rin siya pinayagang dumaan, dahilan upang hindi na maabot ng aso ang kinakailangang gamutan.

Read also

Taxi driver sa cebu, hinoldap ng isang lalaking nag-"sorry" bago magnakaw

Masakit na tinanggap ng rider ang sinapit ng kanyang alaga na binawian ng buhay mismo sa kalsada. Hawak-hawak niya ito habang umiiyak, na animo’y binubulong ang salitang, “Sinubukan ko, pero hindi kita nailigtas… magpahinga ka na, champ.”

Ayon sa ulat, nagkaroon ng malalang kaso ng gastroenteritis ang tuta kaya’t nagkukumahog ang rider na madala ito sa klinika. Sa kasamaang-palad, ang pagkaantala sa daan ang naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang alaga.

Samantala, marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kawalan ng pakikiramay ng mga pulis sa sitwasyong iyon. Marami rin ang nanawagan na sana’y magkaroon ng mas malaking konsiderasyon ang mga awtoridad sa mga emerhensiya na may kinalaman sa mga alagang hayop upang maiwasan ang ganitong insidente sa hinaharap.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also

vaMga tagahanga ni Kris Aquino, nag-alala matapos makita ang kanyang recent photo

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Samatala, sinailalim na sa DNA examination ang mga sample na nakuha mula sa tatlong suspek sa pagpatay sa Slovak national na si Michaela Mickova. Natukoy na ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek matapos matagpuan ang bangkay ni Mickova noong Marso 12, 2025 sa isang abandonadong kapilya sa Boracay Island. Hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng pagsusuri upang magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek. Naniniwala ang pulisya sa lakas ng ebidensya laban sa mga suspek batay sa extrajudicial confession ng isa sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: