Patrolman Francis Steve Fontillas, sinailalim na sa restrictive custody ng PNP

Patrolman Francis Steve Fontillas, sinailalim na sa restrictive custody ng PNP

- Isinailalim na sa restrictive custody si Patrolman Francis Steve Fontillas matapos ang kanyang kontrobersyal na mga pahayag sa social media

- Nahaharap siya sa mga kasong administratibo at kriminal, kabilang ang inciting to sedition na isinampa sa Quezon City Prosecutor's Office

- Naging AWOL siya mula Marso 6 hanggang Marso 19 at pinasailalim sa neuropsychiatric examination nang magbalik sa tungkulin

- Natukoy noong 2023 na may mood swing behavior si Fontillas at kasalukuyang iniimbestigahan kung bumalik ang kanyang kondisyon

Isinailalim na sa restrictive custody ng Philippine National Police (PNP) ang patrolman na si Francis Steve Fontillas matapos ang kontrobersyal na mga pahayag niya sa social media laban sa pamahalaan at mga opisyal ng pulisya.

Patrolman Francis Steve Fontillas, sinailalim na sa restrictive custody ng PNP
Patrolman Francis Steve Fontillas, sinailalim na sa restrictive custody ng PNP
Source: Facebook

“Siya po ay kasalukuyang nakarestrictive custody pagkatapos ng mga naging pangyayari noong mga nakaraang linggo, kung saan nagpahayag po siya ng medyo, ika nga, hindi kanais-nais at mabibigat na pananalita sa kanyang social media account,” ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo.

Read also

Angillyn Gorens: "I saved your reputation by not telling my side of the story"

Si Fontillas ay nahaharap sa mga kasong administratibo, kabilang ang grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer, bukod pa sa kasong kriminal na inciting to sedition na isinampa sa Quezon City Prosecutor's Office.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa kanyang kontrobersyal na mga pahayag online, nabatid din na naging absent without leave (AWOL) si Fontillas mula Marso 6 hanggang Marso 19. Nagbalik siya sa tungkulin noong Marso 20 ngunit pinasailalim sa neuropsychiatric examination upang matukoy ang kanyang mental na kondisyon.

“Nag-exhibit na po ng disturbing at erratic behavior itong pulis na ito as early as 2023. In fact, siya ay sumailalim sa mental examination, at ang kanyang naging findings ay may mood swing behavior,” paliwanag ni Fajardo.

Dahil dito, binigyan umano si Fontillas ng mga gamot, ngunit tinitingnan ngayon ng PNP kung bumalik ang kanyang kondisyon na posibleng nakaapekto sa kanyang mga kilos kamakailan.

Sa isang kamakailang Facebook post, iginiit naman ni Fontillas na hindi siya maaaring kasuhan dahil sa kanyang kondisyon. “Wala akong kaso at wala rin akong warrant of arrest. Hindi rin ako puwedeng kasuhan kasi may mood swings ako,” aniya.

Read also

Sunshine Cruz, na-diagnose ng autoimmune disease na myasthenia gravis

Gayunpaman, inamin din niya na nahinto ang pagtanggap niya ng sahod dahil sa kanyang AWOL status. Patuloy namang iniimbestigahan ng PNP ang lahat ng aspeto ng kaso ni Fontillas upang matukoy ang nararapat na aksyon laban sa kanya.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Read also

Malacañang, hinamon ang mga nagpapakalat ng “fake news” tungkol sa larawan ni First Lady Liza Marcos

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate