Freebies sa isang jeepney, umantig sa puso ng netizens
- Humanga ang maraming netizens sa driver ng isang jeepney na maraming 'libre'
- Malaking bagay ang kanya umanong mga freebies dahil sa pagsisimula ng mainit na panahon
- Ilan kasi sa mga libre sa kanyang jeep ay malamig na mineral water at mga pamaypay na maaring magamit habang nasa biyahe
- Kapansin-pansin din kasi ang mga katagang "thank you Lord" sa jeep, simbolo ng pasasalamat at nakapagbabahagi pa ng biyaya ang mapagbigay na jeepney driver
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hinangaan ng marami ang viral video ng Kuya Adonis Vlogs- jeepney driver na marami umanong pa-freebies sa kanyang mga pasahero.

Source: Facebook
Pagpasok pa lang ng kanyang jeep. makikita na mayroon siyang pa-libreng sakay sa mga single mom, persons with disability at maging sa mga buntis. Gayundin ang may kaarawan ng Pebrero 1-28.
Bukod pa rito, mapapansin ang mga abaniko na maaring mahiram ng kanyang mga pasahero habang nasa biyahe.
Sinamahan pa niya ito ng libreng mineral water na talaga namang malaki ang maitutulong upang maibsan ang init sa pagbibiyahe lalo na at nagsisimula na umano ang summer.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ngunit ang kapansin-pansin din sa kanyang jeep ay ang mga katagang 'thank you Lord' na nagpapatunay na hindi nakakalimot na magpasalamat ang driver sa biyayang natatanggap dahilan para maibahagi niya ito sa kanyang mga nagiging pasahero.
Samantala, inspirasyon naman ang dala nito sa mga netizens na nakapanood ng nasabing video.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"I didn't imagine na totoo talaga yon. I thought for attention lang pero napa hanga niya ako when there's a Lola na sumakay and Ako yong nag abot ng bayad and to my surprise free talaga siya"
"Always smiling mga pasahero mo idol,ingat sa pagdrive god bless"
"Thank you Lord my ganitong jeepney driver. God bless. Safe ride."
"Very compassionate—and every word that could be a description of kuyang Driver. thank You, Lord i get to wake up today to see this wonder. grateful for life to know na mayro’ng ganito"
"Sana dumami pa ang mga ganitong mga jeepney drivers. 'yung may malasakit sa kanyang mga pasahero"
"Tularan ka po sana ng marami kuya. Pagpapalain ka pa po ni Lord dahil pinagbubutihan mo ang iyong ginagawa na nakatutulong pa sa kapwa."
Narito ang kabuuan ng video:
Maituturing na jeepney ang pangunahing transportasyon dito sa Pilipinas. Ito ang madalas na sinasakyan ng mga Pinoy sa kanilang pagpasok sa paaralan man o sa trabaho o sa kahit saan man sila pupunta.
Marami rin sa ating mga kababayang jeepney drivers ang nagbigay inspirasyon sa atin dahil sa mga kwento ng kanilang buhay na talaga namang kapupulutan ng aral. Tulad na laman ng 74-anyos na tinatawag nilang Mommy Mimi. Kilala siya sa kanilang lugar dahil sa pagmamaneho ng jeepney sa loob ng mahigit 20 taon. Dahil din sa kanyang pamamasada, naitaguyod niya ang kanyang pamilya maging ang kanyang mga apo.
Matatandaang umantig din sa puso ng marami ang namayapang jeepney driver na naisip pa rin ang kapakanan ng kanyang pasahero bago bawian ng buhay. Sinasabing inatake sa puso ang drayber subalit nagawa pa rin nito itabi ang jeep upang masiguro na di mapahamak ang kanyang mga sakay gayung may kakaiba na siyang nararamdaman.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Proofreading by Marisse Gulferica, copy editor at KAMI.com.gh.
Source: KAMI.com.gh